My Friends
Khalil's POV
" Hindi ka pumasok? " takang tanong ni Kuya nang makita nya akong nakaupo sa kama pagkabukas nya ng pinto ng kwarto. Kakauwi nya lang siguro.
Bumuntong hininga naman ako at tinignan sya. " isn't it obvious Eugene?! "
Nagmadali naman syang lumapit sa akin at alalang-alala na nilagay ang likod ng palad nya sa noo at leeg ko, paulit-ulit ito kaya pinalo ko ng mahina yung kamay nya at nilayo sa akin. " OA mo masyado! " sabi ko at umismid.
" sorry na kapatid! I thought your sick-- ay sa bagay may sakit ka man o bumabagyo pa basta walang announcement na walang klase papasok at papasok ka pa rin. " umupo sya sa tabi ko at mataman akong tinignan. " so what's the problem? " tanong nya. Kilalang-kilala nya talaga ako. Sa bagay since birth magkasama na kami at para rin kaming magbest friends na walang hindi nalalaman sa isa't-isa.
" Kuya.... Naguguluhan kasi ako sa nararamdaman ko, I thought I'm over him na, ngayong bumabalik sya parang bumalik din lahat ng sakit at parang kahapon lang nangyari! " hindi ko napansin na may tumulo na palang luha sa mata ko kung hindi pa nya yun pinasan.
" I miss you calling me like that... Sobrang seryoso ka lang sa twing tinatawag mo akong ganyan, dahil pinanindigan mo na talaga yung pagiging gf ko. " natawa naman ako dun kaya hinampas ko siya ng mahina sa braso.
Nung lumipat kasi kami ng ibang school, wala ni isa sa mga estudyante dun ang nakakaalam na related kami sa isa't-isa. Magkaiba kasi kami ng surname, dahil hindi naman talaga totoong magkapatid kami, actually magpinsan kami pero pinalaki kami ni Papa na parang tunay na magkapatid, since sabay na namatay sa isang accident ang parents nya at magkapatid naman ang mother ko at biological father nya. Kaya nga napagkamalan kaming may relasyon noon dahil sobrang close talaga namin at sikat din kasing basketball player sya at naisip nya rin na panindigan yun para malayo nya daw ako sa mga boys at nang hindi daw muli ako masaktan pa.
" kainis ka Eugene! Pumasok ka na nga lang! " inirapan ko sya kunwari at tinulak-tulak paalis ng kama.
BINABASA MO ANG
Pieces of My Memories (ongoing)
RomanceThis story is about a girl who lost is memories due to the operation in her brain tumor. And because of it, she started to seek for her lost memories. Can she find the pieces of her memories?