CHAPTER 1

6 0 0
                                    

My Beginning


Khalil's POV


" BAKIT NGAYON KA LANG UMUWI?! UMAGA NA OH! "

" TAGAY MGA PARE!!! "

" PUTA NAMAN BUMANGANGA MO, UMAGANG-UMAGA!!! "

" TAHOOO!! TAHO KAYO DYAN!! "

" ANG SABIHIN MO NANGBABAE KA NA NAMAN!!! "

" PANDESAL!! PANDESAL!! *POOT*POOT* PANDESAL!! "

" UNGAAA!! UNGAAA!! UNGAAA!! "

" LUMAYAS KA NGAYON DIN!! "

" PUTANG-INA NANDADAYA KA NA NAMAN!!! "

" LANGIT LUPA IMPYERNO!! IM-IM-IMPYERNO--- "

" AAARRGGG!!! " padabog akong naupo mula sa pagkakahiga at ginulo-gulo yung buhok ko dahil sa inis ko sa patuloy na ingay na naririnig sa labas.

" good morning baby! " bati ng Kuya ko pagkapasok niya sa kwarto ko. Kukunin nya sana yung tuwalya nya na nakasabit sa likod ng pinto.

Nagcross arms ako at inirapan lang siya.

" hayy... Hindi ka pa ba sanay na ganyan ang alarm clock mo araw-araw? " sabi nya sabay lapit sa akin at hinalikan yung ulo ko. Ganyan yan every morning, lagi akong may morning kiss.

Tinuro nya naman yung kanang pisngi nya. Ganyan naman sya pag gusto nyang magpakiss. Masama naman sa loob ko na kiniss siya.

" atleast hindi tayo nalelate di ba? Hahaha. " natatawang sabi nya habang papalabas na ng kwarto at binitbit na yung tuwalya sa balikat nya.

" wala naman akong pasok ngayon! " napanguso ako sa sinabi ko. It's saturday and I still want to rest. Bumaba ako ng kama para sundan siya.

" hindi na yun ang kinakagalit ko ngayon noh! " habol na sigaw ko habang nagtsitsinelas. Biglang nagbago ang mood ko.

" then what? " sabi nya ng maabutan ko sya sa sala. He's preparing one glass of milk.

" anong oras ka umuwi?! Ang tagal kitang inantay!! Tapos ngayon aalis ka na naman?! " naiinis na sabi ko. Nagcross arms ulit ako habang masama syang tinitignan. Kaya naiinis ako ng maalimpungatan ako, dahil wala pa atang anim na oras yung tulog ko. Minsan na nga lang magkaron ng tulog eh.

Inabot nya sa akin yung tasa ng gatas na tinanggap ko naman saka nya ginulo yung buhok ko. " I told you di ba na hwag kang magpupuyat? Maaga kaya akong dumating! Actually parang katutulog mo lang nun! " sabi nya saka ngumiti ng malapat at dumiretso na sa loob ng banyo. " I have work, remember? " sabi nya mula sa loob.

Umirap na lang ako sa hangin at binaba sa kaisa-isa naming lamesa na maliit yung tasa.

Oo nga pala! Wala pa kasing isang taon ng magstart syang pumasok sa isang call center company, kaya hindi ako sanay na hindi sya nakikita bago matulog.

Pieces of My Memories (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon