Misunderstanding turns into Jealousy
Khalil's POV
napatigil ako sa ginagawa kong plates namin nang maramdamang parang may nakatingin sa akin.
bigla kong inangat yung ulo ko at sakto namang si Fei na ang nakita ko dahil nasa harap ko lang pala sya. nagkatinginan kami, pero binawi nya agad ito at binalik yung paningin nya sa plates nya.
" morning! " bati ni Glaida pagkaupo nya sa tabi ko. binati ko naman sya pabalik.
at dahil nakatingin nga ako kay Glaida, nakita ko sa peripheral vision si Fei na panay pa rin ang tingin sa akin. yung tingin nya parang may gustong sabihin.
" sabihin mo na kasi kung anu yung gusto mong sabihin sa akin. " sabi ko habang kunwari busy sa pagdodrawing.
" huh? oo na, itatanong ko sana kung bakit ang aga mong pumasok, pero kakasimula mo pa lang namang magdrawing? sa'n ka nagpunta na hindi mo man lang ako ininform? " dire-diretsong sabi ni Glaida. kaya nagtataka ko syang tinignan.
" anu na? pagkatapos mong maging manghuhula ng taon titignan mo ako ng ganyan? di ba pag hindi ka naman inuumaga sa raket mo sabay tayong pumapasok, sabi mo ayaw mong magpaasa dahil masakit yun? " dire-diretso na naman nyang sabi at may patampong tono pa.
" anu bang pinagsasabi mo dyan? hindi ikaw yung sinasabihan ko noh, si Fei! " sagot ko naman sa kanya na kinataka nya at kinagulat naman ni Fei.
" bakit sya? kanina pa ako nagsasalita dito pero sya pala ang iniisip mo? kaibigan ba talaga kita? " madrama nyang tanong.
" ang drama mo masyado! kakapanood mo yan ng k-drama eh! tsk! " I said then rolled my eyes at binalingan naman si Fei na nakatingin lang sa amin. " may gusto ka bang itanong o sabihin? kanina ka pa kasi tingin ng tingin eh. " sabi ko sa kanya.
" p-panu mo naman yan nalaman? as if namang kilalang-kilala mo ako noh? tinitignan ko lang kung mas maganda ba yung d-drawing mo sa akin. " sabi nya na hindi makatingin sa akin saka muling tumalikod at pinagpatuloy yung ginagawa nya.
" hayy naku Maria Felice! hanggang ngayon ba naman nakikipagcompete ka pa rin kay Khalil? second year college na tayo noh! magpakamature ka na! saka alam naman nating never mo syang matatalo. " dire-diretso na namang sabi ni Glaida. minsan talaga gusto ko na lang i-tape yung bibig na to at ikulong sa kanila eh.
" Glaid anu ba? magpakamature ka na rin kaya. " sabi ko then umiling-iling habang binabaling yung tingin ko sa bag ko. " matawagan na nga lang si Ed nang may makausap na matino. " binuksan ko yung bag ko saka hinanap yung phone ko.
nasaan na yun? naiwanan ko ba? kinapa-kapa ko na rin yung bulsa ng palda at blouse ko pero wala talaga.
" may gusto talaga akong malaman..... " rinig kong sabi ni Fei kaya napatigil ako sa paghahanap ng phone ko at muli syang tinignan.
" sorry, ako ba yung kinakausap mo? " tanong ko dahil nakatingin lang sya sa dinodrawing nya.
" oo, ikaw nga. " sabi nya sabay tingin sa akin ng seryoso. " gusto ko lang malaman if may alam ka sa past relationship ni Edgar? " napakunot noo naman ako sa tanong nya.
BINABASA MO ANG
Pieces of My Memories (ongoing)
RomanceThis story is about a girl who lost is memories due to the operation in her brain tumor. And because of it, she started to seek for her lost memories. Can she find the pieces of her memories?