CHAPTER 6

0 0 0
                                    

Bring The Boys Out



Khalil's POV

" what should I do?! " naguguluhang tanong ko kay Ed. nandito kami ngayon sa sala ng bahay namin at nakasalampak sa kahoy naming upuan habang si Glaida na nasa tabi ko ay busy naman sa panonood ng kung anong drama sa tv.


" sabi ko naman sa'yo I'll find solution dun di ba? hwag ka ng mamroblema at maghanap ka na lang ng ibang part time job dyan. " sabi ni Ed na nananatili lang nakatingin sa librong kanina nya pa binabasa.


" Ed it's been one week ng sarado yung bar! kawawa naman yung iba na yun lang ang pinagkakakitaan. saka kung anu-ano na namang iniisip ni Fei dahil one week ka na dito tumutuloy! " frustrated na sabi ko. nakakaloko kasi tong si Ed wala naman akong sinabi sa kanya na wala na akong pera dahil wala na akong trabaho pero he insist na tumira dito at sya talaga ang gumagastos sa lahat dito sa bahay saka nakakapagtaka din yung magaling kong kapatid na magtu-two weeks ng hindi pa umuuuwi, ni-ha ni-ho walang text at hindi pa macontact.


" one week ka na palang palamunin ni hindi mo man lang sinasabi sa akin?! " nagulat kami sa biglang pagsigaw ni Glaida.


" makakapagbigay ka ba ng solusyon if nalaman mo ng maaga? " seryosong saad ni Ed. magsasalita na sana si Glaida nang pigilan ko sya at kwinento na lang yung nangyari.



FLASHBACK

" oh anung sabi ni Yumi? " tanong ni Ed pagkababa ko pindot ko ng end call. inabot ko sa kanya yung phone nya bago nagsalita.


" yung lalaki daw na nanggulo sa bar last night ay artista pala, sinabihan nya yung manager namin na ipapasara daw yung bar at kakasuhan ako dahil sa pagpapahiya ko sa kanya. kaya ngayon gusto akong kausapin ng manager namin. " paliwanag ko kay Ed. napafacepalm na lang ako at napaupo dun sa kinatatayuan ko. nanghihina kasi yung tuhod ko.




'anu ng gagawin ko? madadamay pa yung iba sa pinaggagawa ko eh'


" eh walangya pala yung gagong yun! nagkaron na naman tuloy ng dahilan yung Manager mo para sabunin ka. anung sabi naman ng Boss mo? " galit na sabi ni Ed. yung may-ari kasi ng bar na pinagtatrabahuan ko ay kaibigan ng close friend namin ni Ed kaya nakapasok din ako agad dun.


" sabi ni Yumi narinig nya daw sa usapan ni Manager at Boss sa skype na nasa business trip daw sya at two weeks pa before sya makakauwi, pero okay lang naman dito na isara muna yung bar. kaso iniisip daw ni Manager yung mga regular employees dun, kaya sabi ko kay Yumi after class pupunta ako dun. " paliwanag ko.


" eh kung kausapin natin si Hansel? di ba sikat din yung law firm ng tatay nya? " suggestion ni Ed. umiling-iling ako dun, sya kasi yung close friend namin na friend ng boss namin na nagpasok sa akin dun, ayoko ng humingi pa ulit ng favor sa kanya dahil hindi pa nga ako nakakabayad sa utang na loob ko sa kanya tapos ito na naman panibago? saka nasa ibang bansa na yun para mag-aral.




***after class....


" kung tinawag nyo lang ako agad, eh di sana nasolusyunan ko ng maayos yung gulong yun di ba?! " sigaw sa amin ni manager. nandito kaming lahat na employees sa office nya. " ikaw naman Khalil, porket malakas ka sa Boss natin ang lakas mo na rin magsiga-sigaan! hindi ba waitress ang position mo, hindi gangster! saka may mga bouncers naman tayo di ba? " sabi pa nito at malakas na kinalampag yung lamesa sa harap nya.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pieces of My Memories (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon