The Great Hands
Khalil's POV
" sorry po talaga! promise hindi na po mauulit! " hinging paumanhin nung isa sa waiter dun sa customer.
" hindi na mauulit?! talagang hindi na mauulit yan! kilala mo ba ako huh?! kung saan-saan ka kasing nakatingin! where's your manager?! " sigaw naman pabalik nung aroganteng lalaki. sino ba sya sa tingin nya?
" hoy friend di ba dapat tinatawag mo si boss imbes na makichika ka dyan? " napatingin naman ako kay Yumi dahil dun. may dala syang mga drinks sa isang tray.
aalis na sana sya ng pigilan ko sya sa braso kaya napatigil sya at napatingin sa ulit akin.
" bakit? may--- " napatigil sya ng kuhain ko yung isa sa mga drinks sa tray. maglalakad na sana ako ng pigilan nya naman ako.
" Khey! kilala kita.... hwag mong gagawin yan kung ayaw mong magkagulo pa.... " bulong nya sa akin.
binigyan ko sya ng ngiti na nagsasabing trust me.
hindi na sya nakapagsalita pa kaya naglakad na ulit ako papunta dun sa direksyon ng aroganteng customer.
" ano huh?! wala bang tatawag sa inyo sa manager nyo?! alam mo ba kung magkano to----- "
*splash*
napatigil sya sa sinasabi nya at para syang naging robot na dahan-dahang tumingin sa akin.
" magkano yang damit mo? patingin nga ng tatak! " hinila ko yung collar ng damit nya at tinignan yung tatak nito.
" a-a-ano bang ginagawa mo?! bitiwan mo nga ako! " pilit nyang inaalis yung kamay ko sa collar nya.
binigay ko naman ang hinihiling nya at binitawan ko na yung damit nya, pero dahil masyado syang matangkad sa akin na-out of balance sya at muntikan ng masubsob kundi lang napahawak sa couch sa tabi nya.
" sino ka ba?! " tanong nya ng makarecover na sya habang hinahawakan yung leeg nya. then tinignan nya ako mula ulo hanggang paa.
" done checking me? " taas kilay kong tanong at nameywang pa saka flinip yung mahaba kong hair. syempre given na maganda na ako, pero hwag nya naman ipaobvious di ba? haha!
" aba't! talagang kinagalit mo ako huh! " bigla syang umamba na sasampalin ako kaya napapikit ako.
" WOAH! " sigaw ng crowd kaya napadilat agad ako at nakita yung lalaki na nakikipaghalikan na sa sahig.
" sino--- " napatigil ako ng humarap sa akin yung lalaki na gumawa nun.
wait. si totoy to huh? anong ginagawa nya dito?
bigla nyang hinawakan yung wrist ko at walang sabi-sabing hinila ako palabas.
" wait lang. anu ba? " naguguluhan kong tanong habang hila-hila nya ako.
" go friend! ako ng bahala dito! " napatingin naman ako sa direksyon ni Yumi ng marinig ko yung sigaw nya, pero may nahagip yung mata ko na mukhang pamilyar kaya napatingin ako ulit dun, pero wala na sya dun.
BINABASA MO ANG
Pieces of My Memories (ongoing)
RomanceThis story is about a girl who lost is memories due to the operation in her brain tumor. And because of it, she started to seek for her lost memories. Can she find the pieces of her memories?