Saving Someone
Khalil's POV
*grriiiinnnngggg*
" tara kain tayo! Nakakagutom naman kasi mag-aral ngayon! " sabi ni Glaida na hinihimas-himas pa yung tyan nya. Busy naman ako sa pag-aayos ng mga gamit ko pabalik sa bag ko.
" kailan ka ba hindi nagutom? "
Pang-asar na naman na banat ni Ed. kaya napatingin ako sa kanya.nasaan si Fei?
kagabi ko pa sya gustong-gusto syang tawagan eh.
" hoy bakla tigilan mo nga ako! Porket takot ka lang kay Fei ako naman pinagtitripan mo! " sagot naman ni Glaida. napatingin naman sa akin si Ed.
" oo nga! teka, himala yata na absent si Fei? " gatong ni Hanabelle na huminto pa sa tapat namin. Isa sya sa mga kaklase namin.
" *fake cough* napakachismakers talaga nito! kasali ka ba sa friendship namin?! " mataray na sabi ni Ed then tumingin sa akin at umangkla sa braso ko, tapos kinuha nya yung bag ko saka ako hinila palabas ng room.
" nasaan ba talaga si Fei? what happened last night? " tanong ko ng naglalakad na kami sa hallway.
huminto sya at bumitaw sa pagkakahawak sa braso ko. nilingon nya ako at magsasalita na sana ng biglang may umeksena.
" hoy teka lang! san kayo pupunta ng wala ako?! " sabi ni Glaida na tumatakbo pa. sabay naman namin sya nilingon ni Ed.
" pwede bang masolo ko muna ngayon si Khalil, may bukas pa naman! " sabi ni Ed at umangkla na naman sa braso ko saka hinila ako papalapit sa kanya.
" ano bang pinagsasabi mo dyan?! ako kayang unang nag-aya! hwag ka ngang nanunulot! " naiinis naman na sabi ni Glaida saka hinila ako sa braso papalapit sa kanya.
" huh? what's nanunulot?! where did you get that word?! " seryosong sabi ni Edgar. saka hinila naman ako papalapit sa kanya.
sasagot na sana si Glaida at hihilain na rin nya sana ako pabalik sa kanya, pero agad ko namang pinigilan sya at hinila sa pagkakahawak nika yung magkabila kong braso.
" alam nyo gustuhin ko man na sumama either sa inyong dalawa para kumain, pero I'm sorry dahil alam nyo namang may part time job pa ako. " sabi ko then tinignan silang dalawa. " mas maganda atang kayo na lang magsabay dahil na malelate lang ako sa pinaggagawa nyo! " sabi ko pa saka ko kinuha yung bag ko kay Ed at kunwari makikipagbeso sana pero bubulungan ko lang talaga sya. " talk to you later ok? you know where to find me. "
umaayos ako ng tayo at nagwave na lang kay Glaida saka nagmadaling umalis.
" teka wala ako nun?! " rinig kong habol pa ni Glaida.
" you want that?! then I will give you it instead! " rinig ko ring sabi pa ni Ed.
" EEEWWWW!!! BAKLA LUMAYO KA SA AKIN!!!! "
hahahaha! I really love my friends 'cause they making me happy and safe always.
BINABASA MO ANG
Pieces of My Memories (ongoing)
RomanceThis story is about a girl who lost is memories due to the operation in her brain tumor. And because of it, she started to seek for her lost memories. Can she find the pieces of her memories?