8: You Are My Toxic

1.8K 50 4
                                    

Chapter Eight
   
      
    
Susunduin kita mamaya. Ali, ang ganda mo talaga! Your beauty never failed to take my breath away. Ali, huwag na makipagusap sa ibang lalake. Alalahanin mo may kasintahan ka na magagalit.

Girfriend ko po si Ali. Ang ganda niya, 'di ba? Ganito ang gusto kong mapangasawa. After niya magaral magpapakasal na kami, Mommy. Huwag po kayong magalala kahit anong mangyare hindi ko pababayaan ang negosyo natin.

Mark! Dapa! Dumapa ka! Lumuhod ka diyan sa asin! Itaas mo ang dalawa mong kamay at ilalagay ko tong dalawang makapal na libro. Oras na malaglag to dadamihan ko pa iyang asin sa tuhod mo. Luhod! Punyeta, sinabi ko nang lumuhod ka!

Dad, ilabas niyo na po ako dito sa cabinet. Hindi na po ako makahinga.. please ayoko na po dito. Hindi na po ko uulit. Please hindi na po talaga ako makahinga.

Pasok! Pumasok ka sa sako na 'yan! Hindi ka nagtatanda! Sinabi nang huwag kang lalabas ng bahay dahil ayokong nakikita ka ng mga kapit bahay! Pasok! Huwag na huwag kang sisigaw kung hindi ipapalo ko sa 'yo 'tong kahoy!

You cannot imprison me here! Nasa tamang edad na 'ko para gawin ang mga bagay na gusto ko! Oras na makaalis sa impyernong bahay niyo ay hinding hindi na ako babalik pa!

Saan niyo siya dinala? Ano pa bang gusto niyo? Ano! Why do you keep fucking up my life? Does seeing me suffer makes you feel contented?

"Damn it!"

"Still the dreams haunting you?"

Napalingon si Mark sa bungad ng kanyang kwarto. "What are you doing here?" Mabalasik niyang tanong.

Barbaric LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon