Nakakapang hinayang.. alam mo yung akala mo Forever na kayo? Ay wala nga palang ganon ano? I should stop saying that. Pero kasi nakakapanghinayang yung KAYO. Yung.. mga oras na masasaya kayo. Mga ala-ala. Masakit eh. Yung kahit saang sulok ng bahay niyo, may-alaala kayo. Sa kwarto, kung saan kami nagrereview ng lessons. Yung tipong habang tinuturuan niya ako, nakakatulog ako kasi siya katabi ko. Inaantok ako kapag siya katabi ko, kasi komportable ako kapag malapit sa mahal ko. Tapos sa kusina, yung kapag nagkakasakit ka, pinaglulutuan ka niya. Sa Sala, kung saan nagmomovie marathon kayo palagi. Madami na din kaming memories eh. 6 months pare. 6 MONTHS. Nasayang lahat yon dahil sa kagagahan ko.. kung hindi sana ako naglalakwatsa kung saan saan.. hays. Ewan.
Ilang araw na rin akong nagmumukmok dito sa kwarto.. hindi kumakain,hindi lumalabas. Pinaparusahan ko sarili ko sa kagagahang ginawa ko. Hindi pa talaga ako handang magmove-on. Hindi ko matanggap na mawawala ay este WALA na yung taong mahal ko. Nasanay akong sa kanya umiikot mundo ko. Kung ako lang ano? Kakayanin kong magbago para mismo sa kanya pero siya na mismo sumuko eh. May magagawa pa ba ako? Ayokong matawag na habol para sa taong hindi naman maappreaciate pagmamahal ko sa kanya.
"Miho?"
"Po?"
"Babybunso, kumain ka na. Mag-iisang buwan na oh. Lumabas ka naman. Magpakahappy ka. Wag mong parusahan sarili mo sa mga bagay na hindi mo naman kasalanan. Wag mong ipako sarili mo sa isang taong hindi naman alam halaga mo."
Woah, si kuya ko ba talaga yan? Yung totoo?
"Tss. Yoko."
Nagdeact ako ng Facebook dahil ayokong makita mga post niya. Nang maactivate ko facebook ko, blinock ko silang dalawa ng babae niya.
Ang landi na niya ano?
Pero parang may kakaiba akong nakita sa messages ko sa facebook.
Miko Yoshida: Tara lugaw tayo! :P
Wow pare ah. Parang hindi ko lang kakagaling sa break up ha? hays. 1am na. So anong balak ko? Sasama ba akong maglugaw? I think sobrang tagal ko nang hindi lumabas at sobrang tagal ko nang naging anti social. So it's a yes?
Kimiho Matsumoto: Oh.. sige? now na as in now na?
Miko Yoshida: Oo! Tara na!
Kimiho Matsumoto: Hindi ba tayo huhulihin ng tanod niyan? Baka ipadala tayo sa DSWD.
Miko Yoshida: Hindi sasabihin nating magkapatid tayo na inutusan ng mga magulang.
Kimiho Matsumoto: Osige tara.
Pagkatapos kong maghimalos at kung ano ano pa.. nagulat ako andoon si Miko sa labas. Bumilis yung tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit.
"Oh ayan ka na pala." sabi niya.
"Ay hindi, picture ko lang 'to."
"Ang liit mo!" asar niya habang naglalakad kami.
"Okay. Haha! Crush mo pala si Gwyneth Crissy Avery ha?"
"Huh? Paano mo nalaman?"
"Ako kasi yung nagtanong sa ask.fm ng ganon sayo. Anonymous! Ang galing ko diba?"
"Hahaha! Oo na ikaw na. Pero.. ikaw kamusta ka na?"
Hindi ako nagsalita.
"Alam mo.. hindi bagay sa isang katulad mo yung ganyan."
"Huh?"
"Yung naglulumpasay sa sahig. Nagkukulong sa kwarto. dahil sa isang lalaki."
"Hindi mo naman kasi alam nararamdaman ko eh."
"Napagdaanan ko na yan promise. At hindi guarantee na magiging okay ka kapag nagpakatanga ka all the way."
"Alam mo, wala ako sa mood ng pag-usapan siya ngayon. Seriously. Mas gusto kong kumain."
Nagpunta kami kung saan saang may pagkain. Tapos nang may nakita kami, tinanong niya ako kung gusto ko. Syempre, ayokong magpalibre sa taong ngayon ko lang talaga ganon nakasama.
"So anong balak mo ngayon?" tanong niya.
"Paanong anong balak?"
"Yun bang.. anong balak mo. Pakamanhid ka na lang talaga forever?"
"Hindi naman. Pero siguro sa ginawa niya, ang hirap na magtiwala sa mga tao tao ngayon eh. Alam mo yon? Yun bang.. hindi mo alam kung sila ba dapat or napipilitan lang silang mahalin ka. Yung tipong puro Iloveyou chenes chenes pero hindi naman kayang ipakita. Hanggang salita lang ganon. Hays.."
"Mukang mahal na mahal mo talaga yang boyfriend mo noh?"
"Hindi ba ovious?"
"Hindi. Kaya nga tinatanong diba?"
"Ge."
Habang hinahatid niya ako pauwi, humihirit siya ng mga jokes sakin.
"Alam mo ba? Nakahanap na sila ng mas mahaba kay Lolong."
"Sino?"
"Si Lolonger! Meron pa! Si Lolongest!"
"Ha ha ha(pilit na tawa)"
I feel bad for treating him like that tho. Even kahit chicser siya, nag-eeffort pa rin 'tong lalaking 'to na mapatawa ako. Maybe he's not that bad. Maybe I should know him more.. ang loka loka ko kasi. Mabilis akong mangjudge ng tao x) Hay nako.
"So.. ano na?"
"Uhm, nandito na ako sa bahay ko kaya. Shooo."
"Ay ganon, haha. Sige. Thanks sa time."
Pagkatapos noon ay pumasok na ako ng pinto.
Okay lang naman palang kasama 'tong chicser na si Miko. Hindi naman siya maarte. Well, maarte siya. Haha! But I mean, basta hindi siya ganon kasama. Masama siya in a way yung paglalandi niya pero my point is, mahirap din kasing ijudge siya base sa mga napagdaanan niya. Well, hindi ko nga alam eh. Pero hindi muna ako magcoconclude ng mga bagay bagay. Kasi diba, I just met him. and ayon. Hindi pa kami ganon kaclose so ayon.
All in all, I had fun tonight. :-) I wish maging close pa kami ni Miko.. Buti nalang niyaya niya akong mag LUGAW.
YOU ARE READING
Unexpectedly Yours. (On-going)
RomanceHave you ever thought that the one you love now is the one that you'll be with forever? What if fate changed that. What if he isn't the one for you? How would you react to it? That you'll only realize that he's a total douche when someone who loves...