MIHO'S POV
January na.. so anong balak? Ugh. Ayoko pa talagang gumising..
"Oyy, Kimiho! Gumising ka na." sigaw ni kuya Zac galing sa baba.
"5 minutes pa!"
"Ay nako, bumaba ka na bago pa kita buhatin pababa sa banyo. Yang 5 minutes mo nagiging isang oras na."
"Kelan ka pa nagsipag pumasok kuya? May lagnat ka ba?"
"Ayoko lang magaya ka sakin ano."
"Tss. 5 minutes pa kasi."
Hindi na nagsalita si kuya pero naririnig kong may umaakyat ng padabog. Wala pa ako sa diwa ko kaya binuhat ako ni kuya pababa ng banyo.
"Maligo ka na."
No choice ako kaya naligo na ako. Pagkatapos kong maligo, pumasok na ako ng school. Habang naglalakad ako sa sakayan ng tricycle, iniisip ko kung anong balak ko ngayon at hindi na ako magpupunta ng kabilang section para makita si Jasper.. pero. Ewan. Si Martin nalang pupuntahan ko. Kaclose ko din naman siya eh. May crush nga siya kay Dea eh. Haha.
Pagdating ko ng school, na dala dala ko yung gitara ko(gusto kasing hiramin lagi ni Martin. Nagagandahan kasi siya sa gitara ko) dumiretso ako sa section nila Jasper dahil nandoon si Martin. Kumatok ako ng pinto pero si Jasper yung sumagot.
"Goodmorning." sabi niya tapos nagsmile siya sakin.
"Goodmorning din." sabi ko pero pokerface lang ako.
"Uhm, para kay Martin ba yan? Wala pa kasi siya pero ako muna hahawak kung gusto mo."
"Hindi, ibibigay ko nalang sa kanya mamayang recess."
"Ay ganon, hindi okay lang promise. Kasi sa 3rd floor pa classroom niyo tapos baka mahirapan ka. Maliit ka pa naman."
Maliit pala ha.
"Bahala ka." tapos binigay ko sa kanya yung gitara.
Umakyat na ako sa classroom namin ng papunas punas pa ng mata at hindi gaanong nakadilat. Epal kasi si Kuya eh, inaantok pa ako. Tss. Nakakabanas.
"Oh ayan na pala si Bunso!" sigaw ni Jerome.
Nilapag ko yung mga gamit ko sa upuan ko at natulog. Wala akong pakielam kung magaassembly basta ako inaantok ako at hindi ako bababa..
Buong araw sa school, wala kami ginawa. Puro free time kami. Tapos sa TLE naman, nagmovie marathon lang kami. Pinagmovie marathon kami ng teacher namin. Nanunuod kami ng Insidious 2 tapos yung ibang mga classmate kong babae, nasa likod, ayon, nagtatakip ng muka. Habang yung iba naman, nakahiga sa sahig. Ginagawa naming higaan yung sahig sa gitna kapag nagmomovie marathon eh.. pero ako nakatulog pala ako.. Dibali last subject naman na eh.
"Miho.. gising uy." sabi ni Jerome ng pabulong.
"Oh bakit?" pabulong ko na ring tinanong.
Napansin ko wala nang tao pero may nakaupo sa isang gilid. Patay na rin yung ilaw.
"Sino yon?" pabulong ko ulit na tanong.
"Si Brian yan. Tara na, iwanan natin siya. Ang balak nila kayong dalawa iwanan dito. Pero umakyat ako para mas masaya na si Brian lang yung bababa mag-isa. Tara na."
Inayos ko gamit ko tsaka bumaba na. Nakisakay ako sa trip ng bestfriend ko. Pagkababa namin.. hinintay naming bumaba si Brian dahil magpupunta pa kaming 7/11 pagkatapos nito.
"Anong trip niyo kay Brian?" tanong ko.
"Kasi kanina, ikaw unang nakatulog. Tapos sumunod siya. Kaya sabi ni sir, iwanan namin kayo. Umaalis nga si sir habang sinasabi yung plano dahil natatawa siya."
YOU ARE READING
Unexpectedly Yours. (On-going)
RomanceHave you ever thought that the one you love now is the one that you'll be with forever? What if fate changed that. What if he isn't the one for you? How would you react to it? That you'll only realize that he's a total douche when someone who loves...