Chapter 6: Unknown feelings.

45 0 0
                                    

AN--

So.. ito nanaman ang ating dalawang bida sa isang napakaboring na weekend. Parehas nilang hindi makalimutan ang nangyari kagabi, ngunit itong si Miko, nag-iisip kung paano niya sasabihin kay Kimiho na hinalikan niya 'to. Yun ang iniisip niya pagkagising nila. 

Habang si Kimiho naman...

Ayon, nagdadaydream kay prince charming na humalik sa kanya sa panaginip niya. Nang ikwento ni Kimiho kay Miko yung napaginipan niya, napa-isip si Miko na 'Nako Miho, kung alam mo lang na ako yung humalik sayo.' pero mas pinili ni Miko na wag nalang sabihin kay Kimiho na hinalikan niya 'to para hindi maging awkward para sa kanilang dalawa. 

MIHO'S POV

Kakagising lang namin and it's 1:40pm. Grabi kaming tatlo ano? Patangkaran ang peg pero syempre, ako pa rin ang pinaka maliit. Nakaka-ewan kaya! Haha. Pero napansin kong tulog pa rin si Justin habang kami ni Miko, gising na. 

"Gisingin mo na muna si Justin." sabi ni Miko. Maghihilamos pa kasi siya. Ganyan siya kaarte eh.

Habang ginigising ko 'tong si Justin, hindi siya nagigising. Sinisigawan ko na, sinasampal. Hanggang sa tanungin ko na siya "Justin buhay ka pa ba?" haha. Baliw lang. 

Pero 'tong si Miko naman, winisikan ng tubig si Justin kaya nagising.

"Tara na, kakain na tayo." sabi ng Maid namin.

 Umupo na kami sa hapagkainan at kumain.. katulad ng isang normal na tanghalian, natutulala nanaman ako. Paano ba naman.. naiisip ko pa rin si Jasper kahit sa paminsan minsang ganito..

"Kimiho, tulala ka nanaman." sabi ni Miko.

"Oh baket?" 

"Iniisip mo nanaman siya ano?"

"Huh? Hindi ah."

"Oo kaya, kitang kita sa mata mo oh."

"Kumain ka na nga lang.."

Nakakainis 'tong si Miko. Alam naman niya eh.. Bakit pa kailangang lantaran? Ugh. Pagkatapos naming kumain, nanuod kami sa couch. Habang nanunuod kami, kinakalabit ako ni Miko.

"Alam mo.. wag mo na siyang isipin.. Ang isipin mo yung mga maling nagawa niya sayo. At isipin mo.. may mas better pa sa kanya. Tsaka wag mo na ngang isipin yon Kapatid! Andito lang ako oh, love na love ka ni kuya mo."

Woah, anyare dito? Miho wag kang mafall ha? Bad yun. Chicser yan hindi dapat pinapagkatiwalaan sa mga ganyan ganito. 

"Okay. Tara nood na tayo."

Wala kaming ginawa buong araw kung hindi manood at mangtrip at nang maggabi na, ayon, umuwi na sila.

"Kapatid, mag-iiingat ka palagi ha. Love na love kita." sabi ni Miko sabay halik sa noo ko at sabay yakap sa akin.

"Lablab ka din naman ni bunso eh." sabi ko.

Pagkatapos noon ay umalis na sila.

Alam ko iniisip niyo guys, and hindi magiging kami. NEVER! NO NO NO!

Osiya, back to reality. 

Pagkabalik ko sa bahay, nakita ko agad yung text ni Miko sa akin. 

 -

From: MikoKptid<3

Hi Kapatid :-) Eat na your dinner and don't forget to drink your medicine okay? I love you kapatid :-)

-

What the? Okay. Makikisakay nalang ako. Hindi ko alam kung nagpapakatotoo 'to or ewan basta magpapakatotoo nalang ako. 

Unexpectedly Yours. (On-going)Where stories live. Discover now