Chapter 4: That Land

14 3 0
                                    

~~

Jade's POV

Pagkatapos ng nangyari sa mall, dumiretso na kami pauwi dahil nasira na rin ang dapat na bonding namin. Tss. Nakakawala ng gana ang pagmumukha ng tatlong 'yon. Grr!

Nandito kami ngayon sa sala ng condo namin, nagpapalamig ng ulo.

"Bakit ba nakita pa natin ang mga bwiset na 'yon?" inis pa ring tanong ni Carylle.

"Baka nagkataon lang." ani Serene.

"Hindi naman tayo nakilala diba? Nilait pa tayo." tanong ko. Buti na lang at nakasalamin kami kanina. Lumang style na damit rin ang suot namin.

"Tsk. Bakit ba kailangan pa nating mag-disguise at magkunwaring walang laban?" tanong ni Carylle. 'Heto na naman siya. Hayy!

"Ilang beses ba naming sasabihin sayo na para sa atin din 'tong ginagawa natin." sagot ni Serene.

Alam kong alan niya na 'to. Ayaw niya lang intindihin.

"Ano ngayon kung malaman nila kung ano tayo?" pagpupumilit ni Carylle.

"Ano bang gusto mong mangyari Carylle ha? Malaman ng tao na gang tayo pagkatapos makakarating sa parents natin then paghihiwalayin tayong tatlo. Iisipin ng mga magulang natin na masama lang ang maidudulot ng pagsasama nating tatlo." litanya ko.

Hindi siya nakasagot kaya't dinugtungan ni Serene ang mga sinabi ko.

"Bukod pa 'don kapag nalaman ng ibang gang na kaparehas nila tayo, sa tingin mo hindi tayo huhuntingin at pag-initan. Lalo na't hindi naman dapat nasasali sa 'ganong bagay ang mga babae."

"Huhusgahan din tayo sa school,Carylle. Iisipin nilang nasa loob ang kulo natin. Na 'pag maraming tao ay ang aamo natin pero 'pag nakatalikod ay mababagsik din pala." dagdag ko pa.

Nagulat kami ng biglang humalakhak si Carylle.

"I get it,okay? Andami niyong sinabi, nagdrama pa kayo. It's supposed to be a joke to lighten the atmosphere but it seems like you guys didn't get it kaya sineryoso niyo.Hahaha!" sagot ni Carylle sabay hagalpak ulit ng tawa.

Nagkatinginan kami ni Serene. Parehong nakakunot ang noo. Sa sobrang inis ay dumampot kaming dalawa ng unan at pinaghahampas si Carylle. Ang bruha tumatawa pa. Grrr!

"Ang lakas ng trip mong babae ka!" si Serene.

"Walang hiya ka akala namin hindi mo naman naiintindihan!" sigaw ko sabay hampas.

Patuloy kami sa paghahampasan dahil gumaganti na rin Carylle pero wala siyang laban kasi dalawa kami.Wahaha!

Tawa lang kami ng tawa. At least umayos na ang mood namin hindi katulad kanina na parang pinagsakluban ng langit at lupa.

Natigil lang kami sa paghahampasan at paghalakhak nang nagring ang phone ni Serene.

"Sagutin mo muna baka importante. Hahaha!" saad ko.

Tumalikod muna si Serene para sagutin yung tawag habang kami ni Carylle ay naghahabol ng hininga. Hoo!

Ilang minuto lang nang bumalik si Serene. Mukhang seryoso pero makikita ang galak sa mukha.

"Nakausap ko na yung may ari ng lupa. Pwede na daw nating puntahan bukas yung lote." nakangiting sambit ni Serene.

"Sa wakas! Sa tagal nating hinanap kung sino ang may ari ng lupang iyon, salamat naman at makakausap na natin." masayang saad ni Carylle.

"Pero hindi pa tayo sigurado kung papayag siyang ibenta 'yon dahil wala pa naman sinabing ipinagbibili niya. Ang sabi lang makipagkita tayo." ani Serene.

"Don't worry. That land will be our property, soon."

~~~

Rivals into LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon