Chapter 8: We meet again

2 1 0
                                        

~~

Serene's POV

"Alam na kaya nila na tayo yung mga nangbugbog sa kanila?" tanong ni Carylle habang naglalakad kami papunta sa susunod naming klase.

"'Wag ka ngang maingay!" saway ko sabay tingin sa paligid. Napakadaldal talaga niya tsk. Paano kaya kung may makarinig. Tss.

"Ewan. Baka hindi." kibit balikat ni Jade.

"Oo nga. Tingin ko kilala
lang nila tayo dahil dun sa nangyari sa mall." Ganon din ang nakikita ko sa kanila. "Maybe you're right, Carylle." sagot ni Jade bago kami pumasok sa classroom.

Dumiretso na kami sa aming upuan pagkapasok namin sa room.

Hindi pa man ako nakakaupo ng maayos nang magulat ako sa tili ng mga kaklase ko.

"Ang ingay. Damn!"

Pagkatingin ko sa pinto, nakita ko ang tatlong napaka-angas kung maglakad yung tipong feeling nila may smoke effect habang naglalakad sila. Model lang ang peg? Tsk.

"Hi girls!" tanginang manyak 'to hanggang dito ba naman paglalandi ang iniisip. Boys! Tsk.

Malamang tilian na naman dahil bumati ang pussyboy. 'Bat hindi nalang kaya manahimik at mag-aral para mas mabuti.

"Tara na." sambit ni Jade pagkatapos naming magligpit ng gamit para sa last period.

Pero hindi pa man kami nakakalapit sa gate. Nakita kong may tatlong lalaking nakatayo malapit sa gate.

"Jade. Tingin ko hinihintay tayo ng mga gagong 'yan." nakakunot ang noo ko habang pinagmamasdan silang sinusuri isa-isa ang mga estudyanteng palabas.

"Ano na naman bang kailangan ng mga 'yan? Akala mo napakalaki ng atraso natin tsk." Oh Carylle! Malaki talaga atraso natin. Haha!

"Uyy ineng! Baka nakakalimutan mo yung ginawa natin sa kanila. Malaki talaga atraso natin." ayan ni remind na ni Jade.

"I mean 'di naman nila alam na tayo 'yun. So, yung sa mall lang ang atraso natin."

"Tara 'wag muna tayong lumabas. Paniguradong guguluhin tayo ng mga 'yan." hinila ko na sila bago pa lumingon ang mga 'yon at makita kami.

"Saan muna tayo?" tanong ni Carylle.

"Sa field na muna siguro tayo." sagot ni Jade.

Pumunta nga kami sa field para magpalipas ng oras habang hinihintay umalis ang mga 'yon.

"Kailan ulit labas natin?" tanong ko dahil ilang araw na rin nang huli kaming nagpunta sa bar.

"Mamaya kaya?" sagot ni Carylle.

"Pwede. Habang hindi pa busy sa school." Jade agreed.

"Sa bagay, 'di na natin maisisingit ang bar 'pag nag-umpisa na mga requirements." I said.

"Para makapagchill na rin bago dumating ang mga stress. Hay!" dagdag ni Carylle.

Nagkwentuhan lang kami ng trenta minutos bago nagpasyang umuwi na.

"Wala na siguro yung mga ugok ano?" Carylle said while laughing.

Wala na naman siguro sila. Sa bagay baka hindi naman kami ang hinihintay nila. Why the hell will they waste their time to wait for us? Maybe we're just assuming. Wait! What? No! We just want to be careful. Careful in every move.

Medyo nagtago muna kami sa mga halaman para makita kung nandyan pa sila. Nang makumpirma na wala na sila ay lumabas na kami sa pinagtataguan at dumiretso sa gate para makalabas at makauwi na.

Nang nakauwi na kami ay umidlip muna kami sandali bago mag-ayos para sa pupuntahan mamaya.

Dahil bar lang naman ang pupuntahan namin hindi na kailangan mag disguise. Nagsuot lang kami ng damit na angkop sa pupuntahan namin.

Nakaupo kami ngayong tatlo sa round-shaped sofa habang nanunuod sa mga sumasayaw sa dancefloor. Nakita kong may pumasok sa bar at talagang umalis ang mga taong nakaharang sa dinadaanan nila kaya nagtaka ako at sinilip kung sino ang dumating at napamura nang makilala sila.

"Fuck! Kung sinuswerte nga naman tayo."

Tinuro ko ang pinto kina Jade at sabay silang lumingon sa tinuturo ko.

"Shit!" mura ni Carylle at nabuga ang ininom na alak nang makita kung sino ang tinuro ko.

"Alis na tayo girls. Wala ako sa mood makipag-away ngayon." sabi ni Jade nang makitang papunta sa dirkesyon namin ang mga ugok.

"Tara!" linagok muna ni Carylle ang inumin bago mabilis na tumayo at sumunod na kami kay Jade.

Halos mapamura ako nang naramdaman kong may humawak sa balikat ko nang tumalikod ako at akmang aalis. Bakit ang bilis ng maniac na 'to?

"Aalis ka na, Miss?" fuck! 'Di ko siya pinansin at nagtuloy sa paglakad para masabihan sina Carylle na nakita nila ako dahil alam kong hindi ako titigilan ng lalaking ito.

"Wait there, baby." malanding sagot ko at binitawan ako dahil 'don. Kung malandi ka nga naman oh.

Sinundan ko sina Carylle at nakita kong lumipat sila sa kabilang banda ng bar.

"Hindi pa ba tayo aalis? Nakausap ko yung maniac pero hindi ako nakita dahil nakatalikod ako." pabagsak akong umupo sa upuan habang sila ay nakatingin 'saken.

Hindi na namin sila nakita sa loob ng isang oras pero halos sabay sabay kaming napatayo nang makita naming si Drix Aero Eugenio na parang may hinahanap.

"Siguradong ako ang hinahanap ng gagong 'yan." Tumayo na kami pero nakita kong nakatingin sa gawi namin si Leon Red Calvary at nang makita niyang nakatingin ako ay ngumisi siya.

"Jade, nakita na tayo ni Red." siguradong nasabi na niya kay Drix at malamang kami ang hinahanap ng ungas.

"Sa likod na lang tayo dumaan. Siguradong nakaabang na yung isa dun." sabi ni Carylle. Alam kong mapapasubo kaming tatlo ngayon at ayaw kong makipagbasag-ulo sa harap ng maraming tao kaya tama si Carylle na sa likod na kami magharap para hindi halatado.

Mabilis naming tinungo ang daan papunta sa likod at hindi nga kami nagkakamali dahil naghihintay na si Ven Russen doon.

"Hey! Pretty ladies!" ngumisi siya. "Long time no see."

"Yeah, long time no see, dude!" ngumisi rin ako. Aba! Hindi kami dapat tumuklap sa mga 'to.

"Anong kai---" naputol ang sasabihin ni Jade dahil sa pabagsak na pagsara ng pinto. Hindi na namin kailangang tignan kung sino ang dumating. Tsk.

"We meet again, ladies." sigurado akong nakangisi si Red nang sinabi 'yon. 'Wag kayong magmayabang. Minsan na namin kayo napatumba. Ako naman ang napangisi sa naisip.

~~

Rivals into LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon