~~
Jade's POV
Kinabukasan, maaga kaming nagising para puntahan ang may-ari ng lupa.
Nais namin bilhin ang bakanteng lote para sana magsilbing hide-out sa aming pang-gabing buhay. Isa ring dahilan kung bakit nagustuhan namin iyon ay dahil ito'y nasa liblib na lugar hindi man 'ganon kalayo sa siyudad ay madalang naman mapadpad ang mga tao doon.
"Bilisan niyo nga!" sigaw ni Carylle. Nakabihis na kaming tatlo at paalis na dahil sigaw na ng sigaw si Carylle. Syempre ordinaryong tao na mala nerd na naman ang outfit namin.
Alam naming maraming gang din ang interasado sa loteng 'yon kaya siguro kung makapagmadali si Carylle ay parang maagaw iyon sa amin.
"Tara na nga!" aya ni Serene. Sumakay na kami sa kotse ko para mapuntahan ang address na ibinigay ng kausap ni Serene kagabi. Nais niyang doon na lamang kami mag-usap tungkol sa lote.
Nagkatinginan kaming tatlo nang marating na namin ang address na tinutukoy ng may-ari.
Tumambad sa amin ang napakalaking gusali. "Hindi ko alam na sa napakataas na building niya pa pala tayo gustong kausapin" puna ni Serene.
Dumiretso kami sa loob pero hinarangan kami ng isang guard.
"Ano pong sadya nila?" anang guard.
"Tumawag po kasi si Mr. Calvary kagabi, sabi niya puntahan namin ang address na 'to." sagot ko sabay pakita ng address na nakasulat sa isang maliit na papel.
May tinawagan muna ang guard, siguro tinanong kung pwede kaming makapasok. Makalipas ang ilang sandali. "Pasok po kayo."
Nang pumasok kami ay may sumalubong sa aming isang babaeng naka office attire.
"Kayo ba ang tinutukoy ni Sir? Patingin ng ID." pormal na tanong nito.
'Di namin alam na kailangan pa pala 'yon. Buti na lang lagi naming dala ang ID namin. Grabe! Ang arte pala dito, 'andami pang seremonyas bago makapasok. Sabagay halatang mayaman ang may-ari nito.
Isa-isa naming iniabot ang sa babae ang mga ID namin.
"Trinna Jade Guzman, Carylle Jill Fuentes, Serene Jewel Madrinal"
Habang sinasabi niya ang mga pangalan namin ay nagpabalik-balik ang tingin niya sa amin at sa mga ID. "Follow me."
Sumakay pa kami ng elevator bago huminto sa isang pinto. Binuksan niya ito at nauna siyang pumasok. Iminuwestra niya ang loob kaya't dahan dahan kaming humakbang papasok.
Bumungad sa amin ang isang lalaking naka suit na nasa 40's siguro. Nakaupo ito sa kanyang swivel chair. Agad siyang tumayo nang makita kami.
"Leandro Calvary" mahinang binasa ni Carylle ang pangalan ng lalaki na nakaukit sa isang metal na nakapatong sa kanyang mesa.
"Magandang umaga po." bati namin bago ko inilibot ang aking paningin sa kanyang opisina, lahat ng gamit na naroon ay sumisigaw ng karangyaan.
Don't get me wrong. Mayaman din kami at ang daddy ko ay may ganito ring opisina.
"Maupo kayo."
"Narito kayo para sa lote hindi ba?" tumango kami.
"Kung mabili niyo man ang lupa, ano naman ang gagawin niyo rito?"
Nagkatinginan kaming tatlo. Hindi kami nakapaghanda para rito, akala namin ay pag-uusapan lamang kung magkano ang presyo at ililipat na ang titulo.
"Gusto po sana naming magpatayo ng resthouse doon dahil napakapayapa at tahimik ng lugar." alibi ni Serene.
Tumikhim ang lalaki. Mukhang may pagaalinlangan pa rin siya pero hinayaan na lang ito.
"Ganoon ba? Bakit ko pa nga ba itinatanong gayung ipinagbibili ko na rin naman ito. Wala na rin aking pakialam oras na sa inyo na iyon." tumawa siya. Nginitian na lamang namin siya.
"Kung 'ganon wala na pala dapat tayong pag-usapan pa. Tatawagan ko na lang kayo kapag naayos na ang titulo. Doon na rin natin pag-usapan ang halaga." tumayo na siya kaya't tumayo na rin kami at nakipagkamayan.
"Pasensya na kayo at nagmamadali ako. May meeting pa kasi ako."
"Wala po 'yon.Maraming salamat po. Mauuna na rin po kami. You seem to be a very busy person. It's a pleasure to meet you, Sir." nakangiting sagot ko sa kanya.
"Walang anuman." ngumiti rin siya.
Pagkatapos ng usapang iyon ay mabilis kaming umalis ng building at sumakay ng sasakyan.
"Hoo! Grabe!" ani Carylle habang sapo ang noo. "Akala ko malalaglag na tayo 'dun."
Sigurado akong yung alibi ni Serene kanina ang tinutukoy niya. Buti na lang nakaisip agad ng alibi si Serene kung hindi baka magduda iyon sa amin.
"'Wag niyo ng isipan 'yon. Ang mahalaga sigurado na tayong magiging atin na ang loteng 'yon." sagot ni Serene.
Mabuti pa nga. Hays!
"Isipin na lang muna natin ang pag-aaral ngayong malapit na ang pasukan saka na 'yan. " dagdag ni Serene.
"Tatlong araw na lang pala at pasukan na." sambit ni Carylle sabay buntong hininga.
Napabuntong-hininga na rin kaming dalawa ni Serene.
~~
Need feedbacks guys! Even it's bad or good I still accept it. You're comments will serve as my inspiration in writing. Thank you!

BINABASA MO ANG
Rivals into Lovers
Storie d'amoreA story in which a rivalry between two groups will be the cause of crossing each others path. Wait until they break and smash into pieces the hard walls towering their soft heart. As they surrender their heart to their love. Letting them to own and...