Chapter 7: Classmates

6 3 0
                                    

~~

Jade's POV

Inubos namin ang natitirang tatlong araw para magpahinga gayung paniguradong stress na naman ang maidudulot ng pasukan.

'Heto kami ngayon, naglalakad sa school grounds. Hays! Pasukan na naman. Andaming magkakaibigan ang nagiipon-ipon para siguro magcatch up. Sa isang banda naman may grupo ng mga babaeng halos mangisay na at nagtatalon talon habang tumitili. Tss. Ano naman kayang pinagkakaguluhan nila?

"Shemay! Ang gwapoo!"

"Oh my god! Wait! Oh my god!"

"Kyaaah!"

"Makalaglag panty sila bes! Ihh!"

Tss. Ang harot naman ng mga 'to. Nakakita lang ng gwapo akala mo mamamatay na bukas.

"Ang harot." bulong ni Carylle.

"Ngayon lang ata nakakita ng gwapo. Tss." sungit talaga nitong si Serene parang araw-araw may period.

Nang dumating kami sa classroom, nagsimula ng bumulong ang mga kaklase ko. 'Bat kaya 'di nila lakasan? Tss. Mapapairap ka na lang talaga.

"Here they are! Hi there nerds!" bati ng papansing bitch. Wala talagang magawa ang isang 'to eh.

"Hello Reanna!" ngiti-ngiting sagot ni Carylle. Akala niya siguro madadaan niya kami sa ganyan. Duh! Kung pwede lang matagal ko na tong tinuruan ng leksyon. Tsk tsk.

"Are we close?" tanong ni Reanna.

"No." sagot ni Serene.

"Why are you talking to me then?" umirap pa ang gaga. Tss.

"Are we close?" bira ni Carylle.

"Of course not! Eww." Ang arte. ang sarap dagukan eh.

"Then stop asking. 'Di naman pala tayo close kung makabati ka parang long lost friend ka namin." ayan sumabat na 'ko. Nagsmile pa 'ko. Hindi ko na mapigilan eh.

"Whatever!" irap niya tsaka bumalik sa mga alipores niya. Ayan pahiya ang gaga. Hahaha!

"Nice Jade!" ngiti ni Serene.

"Ang galing mang-inis, wala naman palang laban. Hahaha!" bitch talaga itong si Carylle. Haha!

"Anong akala niya? Hindi natin siya papatulan. Nagkakamali siya." ani Serene.

"Ang sarap ngang tirisin eh." sambit ko.

Naputol ang pagdadaldalan namin nang pumasok ang teacher namin.

"Good morning Ma'am!" sabay sabay naming bati sa kapapasok lang na guro.

"Good morning!" ngiti naman ni Ma'am.

Inayos niya ang mga gamit niya sa mesa bago muling bumaling sa amin at ngumiti.

"So I'm Ms. Bernadette Navares..." nagsabi pa si Ms. Navares tungkol sa sarili niya pero 'di ko na masyadong pinakinggan.

"Kilala niyo na 'ko pero kayo hindi ko pa kilala. So tatayo ang tatawagin ko at magpapakilala sa harap." sambit ni Ms. Napaungol ng reklamo ang mga kaklase ko dahil 'don.

"Ano ba 'yan? Parang bata lang. Tss." bulong ni Carylle.

Natigil din ang ingay nang magsimula ng magtawag si Ms.

Nasa kalagitnaan na ng pagpapakilala sa boys nang biglang bumukas ang pinto at tumambad ang tatlong lalaki.

Nagtilian ang mga kaklasi kong babae nang makita ang mga lalaki. Pare-parehong nanlaki ang mata naming tatlo nang tuluyan na naming nakita ang mga hitsura nila. Shit! Shit! Damn!

Rivals into LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon