Chapter 1: Dark

92 6 0
                                    

Dedicated to KeepOnFollowing Hi loraine!!

**
Simula

Nang nag dismissal ay pumunta ako ng library namin para ma isauli ko ang librong hiniram ko kahapon. Habang papasok ako ay dumiretso ako sa librarian at binati ko siya.

"Hi po Miss Jen." Bati ko sakanya

"Ohh, Audrey bakit nandito ka pa? Dapat ay umuwi ka na." Aniya ni Miss Jen.

"Isasauli ko lng po ang librong hiniram ko kahapon." Sabi ko sakanya habang inilalahad ko sakanya ang libro at tinanggap niya ito. "Ahh mauna na po ako baka hinahanap na ako ni mama." Pagpapaalam ko sakanya.

"Ahh sige mag ingat ka sa daan. Salamat nga pala sa pag babalik mo ng libro." Nakangiting sabi ni Miss Jen.

Habang nag lalakad na ako sa hallway papunta ng gate ay isa isang umilaw ang mga poste ng ilaw. Pinagmamasdan ko ang mga bawat classroom na nadadaanan ko.

Nang makalabas na ako sa school ay naglalakad lng ako papuntang bahay ay dahil malapit lng naman ang village namin dito kaya hindi na kailangan sumakay ng taxi.

Nang malapit na ako sa kabilang kalsada ay nahagip ng aking mata ang isang naka itim na lalaki at ngumisi ito sa akin.

Bigla nlng akong kinalibutan at parang tumaas ang aking balahibo ng dahil sa ngisi ng lalaki.

Nung nilingon ko ito ulit ay sinusundan niya ako kaya binilisan ko ang aking lakad hanggang sa tumakbo na ako at nilingon ko siya ulit at nakita ko sa mga kamay niya na may ilaw at tuluyan ng umitim ang paligid.

Linux AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon