Chapter 3: Trouble

69 4 1
                                    

**

Back to class na naman ako ngayon at walang naintindihan sa sinasabi ng prof. namin. Nakatingin lng ako sa field sa labas. Hindi ko kayang makinig dahil sasakit lang ang ulo ko.

Biglang tumunog ang bell at mabuti naman ay uwian na. Wala ngayon si Leah dahil pumunta siya sa kanyang tita, kaya ako lng mag isa uuwi ngayon.

Habang nag lalakad na ako sa hallway papunta ng gate ay isa isang umilaw ang mga poste ng ilaw. Pinagmamasdan ko ang mga bawat classroom na nadadaanan ko.

Nang malapit na ako sa kabilang kalsada ay nahagip ng aking mata ang isang naka itim na lalaki at ngumisi ito sa akin.

Teka?! Parang nangyari na to sa akin dati ah.

Déjà vu.

Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa utak ko at tumakbo ako hanggang sa na realize na mababangga pala ako.

Pinikit ko ang mata ko at hinintay ko na masasagasaan ako ng sasakyan. Pero bakit wala akong naramdaman na sakit? Minulat ko ang mga mata ko. Paglingon ko ay nakita ko si Flint (*insert na hanginan ang buhok*) na hawak ang braso ko.

Kinabahan ako bigla.

"How many times do I have to tell you to be careful?!" cold niyang sabi sa akin pero may pagkadiin ito.

"Flint dalhin mo na siya doon. Hazel! Bliss! Sumama na kayo. Kaya na namin to ni Aaron." Sigaw ni Cyrus kay Flint. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari at dagdagan pa ng nakikipaglabab sila doon sa naka itim na lalaki at may mga ilaw na lumalabas sa kanilang mga palad.

Bigla nalang akong hinila ni Flint at sumunod naman sa amin si Bliss at Hazel. At tumakbo kami patungong gubat.

"Saan ba tayo pupunta? Bakit may lumalabas na ilaw sa mga palad niya? Sino ba talaga kayo? Hindi ko pwede iwan si mama!" Nagtatakang tanong ko sa kanya na pasigaw habang tumatakbo kami.

Hindi sumagot si Flint ni hindi niya man kang ako nilingon. Pero biglang sumagot si Bliss.

"Malalaman mo din ang lahat pag dating natin doon" Sabi niya at biglang may lumabas na pabilog na ilaw nandoon sa gitna ng gubat at pumasok kami.

**
Hi nga pala sa dalawang classmate ko.

RenaeAleksandra530 ManuelaMaeRanque

Nag update na ako!!!

Linux AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon