Chapter 2: Meet Them

88 5 3
                                    

**

"Ahhhh!!" sigaw ko dahil sa sakit ng katawan ko. Biglang may pumasok.

"Anak kamusta ka na? May masakit ba?" Natatarantang Tanong ni mama

"Teka teka!! Ano ba ang nangyari sa akin ma?" Tanong ko kay mama.

"May naka bangga sa yong sasakyan kahapon at may nakakita sayo, nandito sila ngayon sa labas. Bibili lng ako ng pagkain" Aniya mama at umalis si mama.

Biglang sumakit ang ulo ko at may naalala akong lalaki na may ilaw sa kanyang mga kamay. Nagtaka ako kung bakit ganon ang kaniyang kamay parang may kakaiba nung nakita ko siya.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si mama at may kasamang tatlong lalaki at dalawang babae na parang ka edad ko lang.

"Anak sila nga pala yung nakakita sayo" Sabi ni mama na naka ngiti sa kanilang lima.

"Hi ako nga pala si Hazel." Sabi nung may mataas na buhok hanggang bewang at gray na mata.

"Ako naman si Bliss" Aniya nung may light brown na mata at maikling buhok na hanggang balikat.

"Aaron here." Sabi nung lalaki na nasa tabi nung si Bliss.

"I'm Cyrus." Katabi niya yung lalaking mukhang walang pake alam. Tinignan ko yung katabi niya na mukhang bagot na bagot na.

"Dont be rude Flint." Sabi nung si Hazel dun kay Flint na mukhang walang balak na magpakilala.

"Flint."

Ang lamig ng boses niya. Nagkatitigan kami. Pero ako yung unang nag bawi ng tingin at tumingin ako kay Bliss na parang na awkwardan sa amin.

"Ako naman si Audrey." Pagpapakilala ko sa kanila. Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang bestfriend ko na si Leah.

"Hi tita." Pagbati niya kay mama at tumingin ito sa akin.

"Hi bes! Kamusta ka na?" Pagbati niya sa akin at kinurot kurot niya ako sa pisnge.

"Ahh ok lng ako." At biglang umubo si Flint at nagsalita si Cyrus.

"Mauna na po kami" Pagpapaalam nila at akmang lalabas na ng bigla akong nagsalita.

"Ahh wait." Bigla nila akong nilingon.

"Ahh salamat pala dahil kayo yung nakakita sa akin nung nabangga ako." Nahihiyang sabi ko sa kanila at tinitigan ako ni Flint.

"Be careful next time." At lumabas na ng kwarto. Weird.

Lutang ako habang nagsasalita si Leah ng kung ano ano ang nangyari sa school. Feel ko parang may kakaiba sa kanilang lima.

**

Linux AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon