Chapter 4: The Journey

52 6 0
                                    

**

Bigla nalang akong nagising na hinihingal.

Inilibot ko ang aking paningin at nandito ako sa isang kwarto na hindi pamilyar sa akin. Malaki din ang silid.

Napansin kong mabigat ang isang kamay ko. May nakahawak sa kabilang kamay ko at mukhang lalaki ang humawak sa akin dahil sa laki ng kamay nito.

Naka nap ito kaya hindi ko makita ang mukha.

Sinubukan kong tanggalin ang kamay ko nang bigla itong gumalaw.

Nagising ko yata.

Tinanggal niya ang kamay niya sa pagkakahawak sa aking kamay at tumingin ito sa akin.

"Glad you're awake" Habang kinukusot ang mata nito.

"Anong lugar to?" Tanong ko dahil hindi pamilyar ang lugar na to.

"Nasa Ba---" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil biglang bumukas ang pinto. Dahil hindi po uso ang katok sa amin.

"Audrey! Flint! NAKAHANDA NA ANG HAPUNAN!" Sigaw ni Aaron.

"Ahh sige susunod lang ako" At tumayo na ako sa kama.

Pumunta ako sa cr at nag mumog at nag hilamos ng mukha. Kahiya naman kung may laway at mabaho ang hininga ko.

Naunang lumabas si Flint baka gutom na siguro yun.

Pagkatapos nun ay bumaba na ako. Luma na siguro ang bahay na ito dahil sa kagamitan at sa kulay nito.

Nagsisi ako dahil hindi ko naman alam ang dining room dito.

May nakabukas na pinto at may lumlabas na ilaw galing dito. Pumasok ako at ito nga ang dining room.

Bumungad sa akin ang seryosong nag-uusap sa hapag kainan. Natahimik sila nung nakita nila ako. Kaya ngumiti ako sa kanila at bumati.

"Good Evening" At umupo na sa tabi ni Bliss dahil yun nalang ang bakanteng upuan.

Nagsimula na akong kumuha ng pagkain ng biglang umubo si Cyrus.

"Ehem, so anong plano?" Habang palipat-lipat ang kanyang tingin niya sa dalawa na sila Flint at Bliss.

"Bukas maaga tayong aalis dahil pupunta pa tayo sa Bayan ng Bremen para maka bili na tayo ng gamit" Si Bliss na lang ang sumagot dahil mukhang walang pakealam si Flint na nasa harap ko na kumakain.

May pinag usapan pa sila pero hindi na ako nakinig dahil wala naman akong alam diyan. Puro "magic stuff's" lang naman yun.

Naalala ko pala nagtanong ako kay Flint kanina kung anong Bayan to.

"Ano nga pala tong Bayan to?" Tanong ko na ikinahinto nila sa pag-uusap.

"Ah Bayan ng Cattleya" Sagot ni Aaron.

"Ahh gunun ba" Dahil ngayon ko palang narinig ang bayan na yan.

Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa kwarto.

Pagkabukas ko ng pinto nakita ko si Flint na natutulog sa sofa. Hinayaan ko nalang.

Tumalon ako patalikod sa kama. Naalala ko meron pala akong dalang damit sa bag.

Dumiretso ako sa cr at nag half bath. Nagbihis ako at lumabas ng cr.

Humiga ako sa kama at nilamon ng antok ng dahil na din siguro sa pagod.


Maaga akong nagising dahil yun naman ang napag-usapan.

Napansin ko wala na si Flint sa sofa. Baka bumaba na yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Linux AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon