Chapter 11: Welcome to the World Adrian, Welcome Back Syfer

11 1 0
                                    

Chapter 11: Welcome to the World Adrian, Welcome Back Syfer

[Winter’s POV]

Nanghihina na ako. Ilang litrong dugo ba nagamit ko sa paggawa ng katawan ni Kuya Adrian? Sana nga ayos lang yung kinalabasan ng katawan nya, wala naman sigurong depekto. Sa tagal ba naman ng inilagi naming sa kwartong pinagkulungan nya sa kapated nya eh, kung may problem asana nakita or naramdaman nya na noh?

Nga pala.  Ang sungit nga talaga nung totoong Syfer. Hays.

Back to Zero ulit yung feelings ko kay Syfer. Si Kuya Adrian naman kase talaga yung crush ko di ba? Napag-isip isip ko lang yan kanina.

Mga 7 na din ng gabi  kame nakabalik sa totoong mundo. Nahihilo na talaga ako kanina pa eh. Kaso ayokong maging KJ sa lovebirds kaya nagstay kame ng matagal sa closed space na yun. Nakaalalay saken ngayon yung masungit, inutusan ng Kuya eh. Kaya wala syang palag.

Naisip ko lang, eto kayang lalaking ‘to, anong naramdaman nya nung naiwan syang mag-isa sa space na yun? Malungkot maging mag-isa di ba? Claustrophobic na kaya sya? O baka naman yung kabaligtaran ng claustrophobic? Di ko alam tawag dun eh :)

Ang bango ng kwarto ng Kambal na ‘to. Ang bango ni Kuya Adrian :)

“Tss. Mga babae talaga. Tsk.” Si Syfer

“Anong problema mo? Sama mo makatingin eh.”

“Wala.” Ang sungit mo! Letchen much -____-

“K.” – Syfer. Nagsasalita na lang sya mag-isa eh. Nakakainis. Inalis ko na yung pagkakaalalay nya saken. I don’t  want to owe anything from him.

“Ate Chrysa, una na ko sa kwarto ko ah. Antok na ko!”

Bahala sya kung di nya narinig yung sigaw ko. I need to get some rest na. I need it badly.

Inirapan ko muna si Syfer bago sya tinalikuran at tumawid na sa invisible bridge na kitang-kita ng mata ko. THE HELL.

ANG ALON NG BRIDGE NA ‘TO. JUZKOWS!

Step.

Step.

Step.

3 steps away na lang ako sa dulo ng tulay. Hay salamat makakapagpahinga na din.

Opppssss.

Nagkamali ako ng hawak sa railings. Na-off balance.

Di ako pedeng mawalan ng malay ngayon. Kelangan kong kumapit ng maigi pero di ko na kaya.

Bahala na.

Kung may sasagip man sa akin, let it be.

Ililigtas ako ni Ate for sure.

With that thought, tuluyan na akong nawalan ng malay.

[Syfer’s POV]

Oh yeah. I’m back to reality! I’m back with my true body. Madaming pinagbago yung school ko ah. Ayos ‘to. Meron nga lang di ayos ngayon. Etong babaeng inaakay ko. Kanina ko pa di nagugustuhan yung iniisip nya. Di nya ba alam na nababasa ko din naiisip nya? Pure blooded vampire din ako no. Di lang sya ang pure blooded.

Kahit na medyo masakit sa ulo ang mga naiisip nya, at oo na, masamang maki-usyoso sa iniisip ng iba, thankful ako na kapatid sya nung nobya ni Kuya Adrian. At least ngayon, Malaya na ako, masaya naman na si Kuya.

Di naman talaga si Syfer yung crush ko eh. Si Kuya Adrian. Si Kuya Adrian naman yung nakakausap namin  all the time ni Ate. Ambango ng room nila. Ang bango ni Kuya.

Iyan lang naman yung nabasa kong iniisip nya. Like I care if di ako ang crush nya, pero di ba, BF na ng Ate nya si Kuya, bakit pa si Kuya? Taken na yun eh. Ang adik nitong babaeng ‘to.

“Tss. Mga babae talaga. Tsk.” Sabe ko sabay tingin sa kanya. Napatingin din sya bigla saken.

“Anong problema mo? Sama mo makatingin eh.”

“Wala.” Di ya nga siguro alam na alam ko yung iniisip nya.

Ang sungit mo! Letchen much.

“K.” Masungit talaga ako. Alam ko yun. Tinalikuran ko na yung babae at naglakad na papasok sa room naming ni Kuya Ad. Nasa loob na ko ng may sumigaw.

Napabalikwas naman po ako sa pagkakaupo ko sa sofa.

“Ate Chrysa, una na ko sa kwarto ko ah. Antok na ko!”

Yung Winter pala. Wala naman na dito yung Ate nya at Kuya ko. Kanina pang bumaba yung mga yun eh. Di na nga mapaghiwalay yung mga yun eh.

Inirapan muna ako nung Winter tsaka umalis. Tinalikuran ko na din sya, aba, marunong din ako nun.

*SNAP*

I got the feels na mahuhulog si Winter sa tulay. Tumakbo agad ako palabas at ayun nga, walang malay na nalalaglag si Winter mula sa mini-London Bridge.

23 floors pa naman ‘to.

Malabong makaligtas sya kung mahuhulog sya ng walang malay. Naku naman talaga! Di pa ako sanay gumalaw ng gumalaw kase nga kalalabas ko lang di ba?

No choice. Tinalon ko na sya. Sana naman maabutan ko sya.

Inabot ko yung kamay nya pero, kainis, di ko pa rin maabot.

I tried the best I could para mauna sa kanya. Thank goodness. I’m not that too late.

Nauna akong magland sa open space at nasalo ko sya.

Ngayon ko lang napansin.

Ang ganda nya pala. Ang gaan nya din. At…

Ang putla nya. Ang lamig lamig nya na din. Di yung normal na lamig ng mga coldblooded creatures. She’s a lot more cold than I am now.

Inakyat ko sya sa room nila ng Ate nya.

Noong una, hinarang ako nung Lady Guard sa Black Dormitory for Girls.

“Lord Syfer, restricted po ang mga lalaki sa building.”

“Miss. Is it not that obvious that this girl lost her consciousness?” inis naman. Insensitive ng sobra ang guard na ‘to. Tanggalin ko sya sa trabaho eh.

“Ah. Sige po Sir. Alam nyo po ba yung password nila sa elevator?” Witty Guard. Wow. Di ko yun naisip. Sige na. Sa kwarto ko na lang muna sya. Hays.

“Okay. I got that. Just do me a favor, tell her sister that she’s with me okay?”

“It’s my pleasure Lord Syfer. I will.” Sabe nung guard.

Wala naman nang palag yung Guard on duty sa building naming. Takot nya lang siguro.

Lintik na password naman kase yan eh. Bakit nga kase di ko inalam yung password kanina?

Too late to regret. Hays. Maalagaan na nga ‘tong manikang ‘to. Malaki ang utang na loob ko sa kanya.

Inihiga ko sya sa kama ko. Grabe lang. Nauna pa syang humiga sa kama kong ‘to kesa saken. Kakabalik ko lang eh.

“AHHH! LUMAYO KA SAKEN! LUMAYO KA! AYOKO SAYO!”

Biglang nagsisisigaw ‘tong si Winter. Ano kaya yung napapanaginipan nya ngayon?

Pinagpapawisan sya masyado. Takot na takot sya. Di ko alam kung anong gagawin ko. Tulungan nyo naman ako!

“LUMAYO KA SABE EH! LAYO. .. At- Atee. A – ateeee…” Naiyak na sya. Ano kayang nakikita nya?

Hinawakan ko yung kamay nya. Sobrang lamig. May trangkaso ata sya. Ganito kame magkatrangkasong mga bampira, lalo kaming nalamig o kaya naman sobrang init na parang taong nilalagnat ng mataas.

Ang higpit humawak ni Winter sa kamay ko.

Sige Winter. Wag ka na matakot. Di kita iiwan ngayon.

Magpagaling ka.

~~~

HELLO AD! HAHAHAHA!

DCMAIDEN!<3

Winter's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon