Chapter 3: Knight In Black Aura

11 1 0
                                    

Chapter 3: Knight in Black Aura

“Kuya eh. I bet mas bata ka lang saken ng 1 0r 2 years. Freshman pa lang din ako. Mag-eenroll din.” Sabay ngiti saken.

 Si Ate naman nakikinig at nasunod lang samen. Nagchachant nga ata eh. May kausap pero wala naman.Hays. Bangag talaga yun minsan.

Bigla kameng huminto. Di ko pa napaprocess sa utak ko yung sinasabe nya eh. Ipinasok nya ako sa kotse nya. Pinasakay nya din si Ate. At nagdrive na papasok ng university.

***

Mga five minutes din kame nagstay sa Porsche ni Syfer. Ang ganda sa loob. Ang simple pero elegante, dagdag points pa na majority ng kulay ay black then a mix of red and white. Lahat ng favorite kong kulay nandun. Astig! Buti na lang pala sinakay kame nitong gwapong ‘to. Malayo-layo din pala yung lalakarin nmin pag nagkataon. Baka kung anu pa ang mangyare samen ni Ate gawa nung eksena namin kanina sa may gate. I bet, mabilis ang paglipad ng tsismis este balita dito sa school na ‘to. Naputol yung iniisip ko ng magsalita si Syfer.

“Ahm, Misses. Dito na tayo. Ito nga pala ang registry building. Dito nag-eenroll lahat ng students. Nasa dulo ng hallway and registrar, si Ms. Devonica. Hanapin nyo na lang sya.” Sabi nya. Ewan ko kung nagpapacute sya pero parang nagpapacute eh. Ang gwapo nya tuloy lalo. Crush ko na ata sya! >////<

“Ah. Salamat pala kanina sa pagtulong mo ah. Pati na din sa paghatid. Sige, masyado na kameng abala sa’yo. Salamat ulet. God bless!” Nakangiti si Ate. Ang ganda nya tuloy.

Napatingin ako kay Syfer. Aba, namumula ang bruho. HAHA. Parang kamatis na eh! Ang kyut pala kapag nabublush yung mga lalaki. First time ko makakita eh :”>

Napansin ata ni Syfer na titig ako sa kanya. Sumama bigla yung tingin --____--“ Nakakatakot!

“What?!” Pasigaw nyang sabe.

“Ah, eh. Wala po Kuya Syfer!” Taranta kong sabe sabay pasok sa hallway ng registry building. Dere-deretso ako ng lakad! Aba, mahirap na!

Ay lintek, bat ko binanggit pangalan nya?! Di nga pala sya nagpakilala samen ni Ate, malamang mawiwirduhan yun saken. Sabihin pa nya stalker nya ko. Tss. Bahala na, lakad lang ng deretso Winttie! Napahiya ka lang ng konti. HAHA!

Ang layo na ata ng nalalakad ko pero malayo pa din ang dulo ng hallway. Grabeng school ‘to eh. Ang laki! Registry building lang ‘to pero 10 mins na kong naglalakad ng dere-deretso sa hallway, malayo pa din ang dulo. Ang dami pang tao. Natatakot na ko. Phew. Napahawak ako sa dibdib ko. Naninikip. Ang hirap huminga.

“Ate.” Sabe ko, pero wala si Ate. Nasaan na kaya yun? Naiiyak na ko. Ang sakit talaga. Naglakad lang ako ulet. Naghanap ako ng mauupuan na wala gaanong tao dahil takot ako sa mga tao. Sa madaming tao pala.

“Ate. *Hikbi* Asan ka na po ba? *Hikbi*Ate. *Hikbi*” TT Ang sakit na talaga eh! Di ako makahinga. Umupo ako sa may hagdan, sa dulo ng hallway. Narating ko din eh no? Salamat naman.

 Sumandal ako sa may railings. Tinuon ko din yung ulo ko dun, maya-maya, nakatulog ako kakaiyak.

***

Nakaamoy ako ng dugo. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Para akong biglang nakabawi sa panghihina ko.

Nakita ko ang braso niya. Nakataas at nakatapat sa bibig ko. May sugat sya. Sinugatan nya kaya ang sarili nya? Bakit naman kaya?

 Bumangon ako mula sa pagkakasandal ko sa kanya. Yep, nakasandal ako kay Syfer. Iba ang hitsura nya ngayon. Di sya mukhang maamo. Matapang ang mukha nya kung titignan pero yung mata nya, katulad pa din ng dati. Malungkot. Bakit kaya?

Winter's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon