Chapter 10:

17 1 1
                                    

Chapter 10: The Real Syfer Alexis Archangel

[Syfer’s POV: The Real One]

Di gaanong madilim, pero di rin maliwanag. Nasaan na ba ang mga tao sa mundong ‘to? Totoo kayang tapos na ang pamumuhay ko sa totoong mundo? Panaginip lang siguro ‘to.

Yan yung naiisip ko habang nakahiga sa kama ko. Ilang taon na nga bang ganito ang pamumuhay ko? Mag-isa lang. Nakakalabas sa twing hahayaan ako ni Adrian lumabas. Alipin na ako ng alter ego ko.

Noong bata pa ako, I used to use my power and let him out in me so we can play hide and seek though we just have to play inside my room. Mabait sya dati, pero nagbago si Adrian 5 years ago. Mula sa pagiging masayahing side ko, naging katulad ko sya. Violent, stiff, insensitive at padalos-dalos. I really don’t know what happened pero he overpowered me and left me here inside this freaking room alone.

I don’t know what he’s doing out this room, what he’s doing in the real world. I just wish someday I will be freed.

Ginawa ko na ang lahat ng mga bagay na pwede kong gawin para makalabas dito. Binasag ko na ang mga bintana, sinira ang mga pintuan pero right after the moment na masira ko sila, nabubuo na lang sila ulit.

Alam kong it’s useless to fight over him pero I can’t help it. Ano ang gagawin nya sa mga magulang ko? I still remember his gaze at me when he was leaving this room the day he chained me here. Those pains and struggles portrayed in his eyes.

“Di ko mapapatawad ang magulang mo. Papatayin ko sila.” Yan lang ang sabi nya.

Ano bang ginawa ng magulang ko sa kanya? Bakit kelangan pang madamay ako? Bakit ganun na lang ang galit nya?

Hays. I really want to get out of this room. But actually, there’s a way to get out of this place. To kill my self. Commit a suicide.

Kahit kelan di ko naisip na gawin yun, kase kapag nagkataon, matatalo nya ko, ayokong matalo ng alter ego ko. Babawiin ko ang katawan ko sa kanya as soon as possible. Sana lang di pa huli ang lahat.

Namimiss ko na sina Mama at Papa. Yung pusa kong si Silver at ang mga kababata kong sina Cresent, Beatrice, Luigi, Sarah, Richard, Sofia, Dexter, Felix, Stephen at syempre si Breeze

Kelan ko nga ba huling nakita yung mukha nya? Noong nakaraan, yung mag-eenrol sila ni Breeze. Loko yung lalaking yun eh. Di ko naman kse sya kilala pero, ang lakas talaga ng loob nya. Daming aawayin si Winter pa  -_______-

Kaso after ko silang tulungan, nakulong nanaman ako sa kwartong ‘to. Si Adrian nanaman ang nagamit ng katawan ko. Gusto ko na talagang makawala sa lugar na ‘to!

-

The room suddenly shakes. Earthquake sa ibang dimension? Ayos ‘to! First time ever. Di nga nahangin dito eh. Di naulan, dir in naaraw, di uso ang anino. Hay naku! Ano kayang nangyayari sa labas?

Unti- unting nasisira yung room. Hay naku. Maayos din naman yan agad. NR lang ako sa nagaganap. Bahala yang mga tipak ng bato, babalik din naman yan sa dati. Prente lang akong humiga sa kama ko, matutulog na lang ulit ako. Ganun naman lagi yung gawa ko eh.

-

Sa paggising ko, sira na yung room na pinagkukulungan ko. Ang lakas naman ng nanira dito, kulang na lang pulbusin ang lahat ng gamit sa loob eh. Nagwala ba dito si Adrian?

O_____________O

Si Adrian nandito? Isa ‘tong malaking joke.

“Hi Syfer.” May babaeng naghi sakin. Si Breeze pala, sa tabi nya nandun si Winter.

“Hello Breeze.” Yun lang nasabi ko, ang gulo kase eh. Pano napunta dito ang dalawang ‘to? NR lang si Winter.

Yumuko naman si Breeze. Di pa din ba sya nasanay na Breeze ang tawag ko sa kanya? Simula bata pa kame yan na tawag ko sa kanya eh.

Winter's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon