At the very moment I open my eyes from being asleep, I can't deny the loud and fast beating of my heart.
I remained still -laying on my bed, eyes open.
This is it.
I looked at the calendar. Today is exactly the third week since Daniel left.
He promised me, he'll come back after three weeks.
Do I still have to hold my hopes up?
*****
"Miss Seichelle, kumain na po kayo," sabi sakin ng isa sa mga kasambahay sabay lagay ng plato sa harap ko.
Hindi ko muna ginalaw ang plato ko. Ewan ko ba, iba talaga ang pakiramdam ko ngayon. Ang weird.
Nahalata siguro ng kasambahay ang pagkabalisa ko kaya umalis muna sya at iniwan ako. Mabuti 'yun, nakahinga ako ng maluwag.
Naglagay ako ng tinapay at hotdog sa plato ko. Kailangan kong kumain. Marami-rami pa akong tatapusing requirements sa school.
Sakto naman at biglang dumating si Butler Alex.
"Good morning Miss Seichelle. Maaga pong umalis ang magulang nyo kasama si Great Master Thomas. Binilin po nila sakin na mamayang gabi po, ihahatid ko po kayo sa isang party." sabi nya.
"Butler Alex, anong party? Bakit ako?" tanong ko.
Wala naman akong narinig sa kanila na may pupuntahan akong party. Saka ang dami ko yatang tatapusin.
"Hindi po binanggit ni Ma'am Tanya. Ang sabi nya lang ay importante po iyon." sagot ni Butler Alex.
Malamya kong kinagat ang tinapay. Napababa tuloy ang dalawa kong balikat. Hayyy
SA SCHOOL, wala akong inatupag kung di ang mga requirements na kailangan nang mapasa by the end of the week. Hindi naman sa nagka-cram ako -at hindi ko iyon istilo, pero sadyang malupit lang ang mga prof ko na sobrang ikli magbigay ng deadline. Ni hindi na ako nakapag-lunch.
Hindi ko rin naman ramdam ang gutom.
"Seichelle, ito nga pala ang binigay na handout ni Prof. Terror. Coverage daw yan sa exam next meeting." Sabi sa akin ni Lian, kaklase ko. Sabay abot ng makapal na papel.
"Exam agad next meeting?" pagtataka ko. Tiningnan ko ang handouts, grabe.
"Oo nga eh. Nakakainis na nga sya. Ang dami nyang gusto. Project, research, activity, test, exam--HAY! NAIINIS NA AKO SA KANYA." singhal ni Lian.
O____O nakakagulat sya. Ganyan pala sya mainis.
"Hehehe. Pasensya na haha! Sige mauna na ako. Bye!" at umalis na sya.
Isa lang ang masasabi ko, nakakastress na. (>﹏<)
Sinubsob ko ang mukha ko sa table. Sumasakit ang ulo ko. Grabe, gusto ko na po magbakasyon! T.T
"Break ka muna," biglang may nagsalita sa tapat ko.
Nang minulat ko ang mata ko, isang bote agad ng iced tea ang bumungad sakin.
Napangiti ako. Kilala ko na kung sino 'to.
"Xy... ---DOM?!!" O___O
Kumurap-kurap pa ako. Teka, si Dominic ba 'to?
"Grabe naman Seichelle. Masyado na ba akong gwapo para magulat ka ng ganyan?" sabi nya.
"Ha. Ah. Eh?"
"Pinapunta ako ni insan dito. Kilala mo naman kung sinong pinsan 'yun diba? Hahaha!" Dom.
"Bakit daw?"
BINABASA MO ANG
The Heiress Diaries
Romance[BOOK TWO of THE HEIRESS] We thought that we are perfectly made for each other. I love him. He loves me. But life isn't just running for the both us... Will we still hold on to each other and continue making hundreds and thousands of memories in my...