Diary #33- Letting Go

681 18 0
                                    


**SEI's POV

Dalawang nagbubungguang malaking tipak ng bato. Ito ang San Hakob, kung na saan kami ngayon.  Pwede kaming matrap dito ng buhay sa simpleng paggalaw lang ng lupa.

"Relax." Bulong ni Daniel sakin. "Watch your head"

Humigpit ang hawak ko sa kamay nya. Hindi ko maipaliwanag pero pakiramdam ko sumisikip ang dibdib ko lalo na't nakakakita ako ng kandila sa masikip na lugar na 'to.  Bigla na lang tuloy akong napatigil sa paglalakad.

"Seichelle, you okay?" Nag-aalalang tanong nya sakin. Hindi ko naman mabukas ang bibig ko para sabihin sa kanyang ayos lang ako. Dahil ako man sa sarili ko, alam kong hindi ako ok.

"Just think happy thoughts baby. Just think those happy memories..." he mumbled that appeared to be like a hum.

Happy memories Seichelle..

I tried to steady my breathing. Dahil alam ko na once na magpanic ang sistema ko, mahihirapan akong makahinga. And no one knows kung gaano katagal pa kami rito.

"Sei... think about happy memories. Think about you and me.." he mumbled again.

Automatic na napatingin ako sa kanya to see kung nagbibiro ba sya. Pero hindi. He was looking back at me seriously.

"We can do this together... just.. trust me," he said.

Trust.

"Can I still trust you?" The question fell out from my mouth that left him dumbfounded.

Hindi na sya makatingin sa akin ng maayos.

"Isipin mo na lang, wala akong sinabi," I mumbled. Tapos ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. I need to get out of here.

Hindi ko na sya hinintay. Ginaya ko na lang ang mga taong nasa unahan ko. Kapag dadapa sila, dadapa rin ako.

"Watch your head Seichelle," he warned.

Napahinto ako sa paglalakad. Buti na lang, kung di nabutas na siguro ang bungo ko sa nakausling bato sa taas.

"You're going to hurt yourself if you don't listen to me," he said seriously. Naramdaman kong mas lumapit pa sya sakin. "Can you at least listen to what I say? Just this once Seichelle... just this once."

"I'm tired of listening to what you say..." I replied.

Hindi nanaman sya nakasagot. Bull's eye.

I was about to walk again when he suddenly hold my hand.

"Bitawan mo ang kamay ko." I said then tried to free my hand. Pero walang epekto.

"If you don't want to listen to me, I'll make you listen," he whispered.

At simula non hindi na nya inalis ang pagkakahawak sa kamay ko hanggang sa makalabas kami ng kweba.

"Good job guys!" Bati ng guide namin. "Now magpahinga muna kayo bago tayo bumalik sa activity area."

Pumunta ako sa may lilim para magpahinga. Pero nakalimutan ko na hawak hawak parin pala ni Daniel ang kamay ko.

"Bitawan mo na ako," I said. Nasa labas na kami ng kweba. Baka siguro pwede nya na akong bitawan?

"Ayoko."

"Daniel pwede ba? Hindi ako nakikipagbiruan sayo," I used my irritating tone.

"Quiet." Aba ang kapal naman. Patahimikin ba ako? Nang silipin ko sya, nakapikit ang mata nya. Ano natutulog syang nakatayo? Ayos ah?

The Heiress DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon