Diary #41- Dead End

434 14 5
                                    


Don't give up Seichelle. Don't give up.

Mantra ko sa sarili ko habang pinipilit kong tapusin ang ika-4 na ikot ko sa buong mansyon namin. Punung-puno na ako ng pawis, kakailanganin ko nang shower pagtapos nito.

Nang makarating ako sa may garden, nagdesisyon akong magpahinga. Inunat ko ang mga binti ko, medyo sumasakit na kasi kakatakbo. Pero hindi dapat ako magpatalo sa sakit. Kung tutuusin wala 'to sa sakit na binigay nila sakin. Walang wala. This was just a physical pain, it will heal anytime. But the emotional pain they've inflicted, it won't heal and it will leave its scar.

Tinanggal ko ang earphone at nilagay sa mesa. I have to think of something in order to find answers. Pero ang tanong, where will I start?

Habang tumatakbo ako, iniisip ko kung ano ba ang dapat kong gawin. Maybe I am too desperate to find answers pero hindi ko kayang harapin ang magkapatid. I may be desperate but I have my limits. I won't let myself be painted by their lies.. again.

Courtney...

Bumilis ang tibok ng puso ko. Tama! May kinalaman siya sa pagkamatay ni Price. If she really did plan everything, nasa kanya lahat ng sagot na hinahanap ko. Pero.. hindi. Alam kong malabo. That girl has grudge on me. At malabong sabihin niya sakin lahat.

Kung hindi kay Courtney, kanino?

Russel Kean Lockwood.

Kahit paano nagkaroon ako ng kumpyansa na mahahanap ko rin ang sagot. Tama. Si Russel o Ruz. Naging kasabwat siya ni Courtney. At tinulungan niya rin ako. Kung tatanungin ko siya, siguro naman masasagot niya ako. Hindi ba? Pero ang tanong, na saan ba siya ngayon? Wala na akong nabalitaan pa tungkol sa kanya. Para siyang bula na bigla na lang nawala. Kahit nga ang mga paparazzi, hindi na siya mahanap. Anong gagawin ko?

Napasinghal ako nang makita kung saan papunta lahat nang ito, Dead End. Makakahanap nga ako ng lead pero hanggang doon lang.

Matapos kong magpahinga, naligo ulit ako.

"Iska," tawag ko nang makapagbihis ako.

"Yes Miss Seichelle?" Sagot niya habang hawak hawak si Pom Pom.

"I need you to do something, for me." Sabi ko habang nakatingin sa alagang aso ko na masiglang kinakaway ang buntot.

"Ano po yun Miss?"

"Russel Kean Lockwood," I began to speak. "I need you to find him for me."

Nanlaki ang mga mata ni Iska. "D-diba po siya yung mayamang--"

Tumango ako. "Hanapin mo siya para sakin Iska.. sa lalong madaling panahon."

Mabilis na pumayag si Iska sa utos ko. At kasabay nun, mabilis din siyang nagpaalam na sisimulan ma niya ang paghahanap. Mariin ko siyang pinagsabihan na wala dapat makakaalam sa ginagawa niya.

"Arf arf!" Nabaling ang tingin ko kay Pom pom na nasa paanan ko. Kinikiskis niya ang maliit nyang ulo sa binti ko. Napangiti ako at binuhat ko siya.

"Hi Pom pom," bati ko. I patted his head. "Namiss kita kahit na lagi naman tayong magkasama."

"Arf arf!"

Aminado ako sa sarili ko na lumayo ako kay Pom pom. Sa tuwing nakikita ko kasi siya, naaalala ko lahat. Yung hindi lang puro sakit, pati yung saya noong maayos pa ang lahat samin ni Daniel. I wanted to give Pom pom back kaso naisip ko, ang sama ko naman kapag ginawa ko 'yun.

"Sorry Pom pom kung nilalayuan kita ah? Promise, di na mauulit 'yun."


THIRD PERSON's POV

The Heiress DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon