Diary #40- Too Weak

448 12 0
                                    


Aggh

Napadilat ako at pinutol ang masama kong panaginip. Hinawakan ko ang dibdib ko para pakalmahin ang puso ko. Ilang araw nang nakalipas at halos araw-araw akong dinadalaw ng masamang pangyayaring iyon. Paulit-ulit. Para bang pilit sinasampal sa utak ko ang pangyayaring iyon.

Madilim pa sa silid ko. At sobrang tahimik. Tanging ang tunog lang ng orasan ang maingay. Tumingala ako sa kawalan at hinayaang kainin ng kadiliman ang mata ko. Alam kong dilat ako at gising pero parang nakapikit lang ako.

Kinapa ko ang cellphone ko para tingnan ang oras. Alas kwatro y media na ng madaling araw. Alam ko naman na hindi na ako makakatulog kaya umupo ako at binuksan ang lampshade sa gilid ko.

Sabado ngayon at wala naman akong gagawin sa school. Dala na rin siguro na malapit nang matapos ang semester kaya halos petiks na lang kami. Ilang araw na rin pala ang lumipas na hindi ko namamalayan.

At sa loob ng halos isang linggo na iyon, hindi ko nakita ang magkapatid. At masaya ako dun. Sinabihan ko sila na umalis na sa buhay ko at mukha namang ginagawa nila 'yun. Though I don't know if they're doing this to make up with me.

Sa loob ng limang araw na 'yun, I was quite expecting na malalaman na ng buong mundo na buhay si Price. Na finally aalis siya sa lunggang pinagtataguan niya ng ilang taon. Pero wala. And that actually confuses me.

Malalaman ko rin ang mga sagot sa tanong ko. One step at a time.

Pumasok ako sa banyo at sinet ang tub sa lukewarm temperature. Nilagyan ko ito ng vanilla scent soap at binabad ang katawan ko. And I like how this warm foamy substance relaxes my skin.

At sa sobrang pagkarelax ng katawan ko, hindi ko namalayan na nakatulog ulit ako.

"My Princess, your prince has finally arrived!" May nagsalita sa gilid ko dahilan para mas kabahan ako.

Daniel.

Hindi maaari! Baka kung anong gawin nila kay Daniel! Sa sobrang kaba ko, hindi ko na napigilang umiyak. Natatakot ako para sa sarili ko at natatakot ako para kay Daniel. Bakit pa kasi kailangan niya pang pumunta rito? Bakit hindi niya na lang hinayaan ang mga Donnovan Security na iligtas ako? Bakit kailangan pang ipahamak niya ang sarili niya nang dahil sa akin?!

"Daniel!" Sigaw ko. "Daniel please.. umalis ka na. Papatayin ka nila please...umalis ka na!"

Pinilit kong magpumiglas pero sadyang mahigpit ang pagkakatali sakin.

Please Daniel, umalis ka na. Bakit ba paulit-ulit mo na lang akong nililigtas?! Akala ko ba, ayaw mo na sakin? Akala ko ba may iba ka nang gusto? Diba si Rachelle na?

Dahil mahal ka niya Seichelle. Mahal ka ni Daniel.

Mas napaiyak ako sa realisasyong maaaring mahal pa rin ako ni Daniel. Na kaya handa pa rin niyang isugal ang buhay niya para sakin ay dahil ako pa rin.

Pero nanlamig ako nang maramdaman kong may tumutok sa ulo ko. Napasinghap ako nang maisip na baril iyon. At mas natakot ako na sa isang kalabit lang ng daliri, patay agad ako.

Nalunok ko ang mga sigaw at daing ko. Ni hindi ko maibuka ang mga labi ko dulot ng takot. Ang tanging nagawa ko na lang ay umiyak. At magdasal.

"SEICHELLE!"

H-hindi si Daniel 'yon.

Kumalabog ang puso ko. H-hindi si Daniel ang may ari ng boses na yun. Pero pamilyar sakin ang boses. Hindi ko lang maalala kung kanino.

The Heiress DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon