**SEI's POV
"Grabe, ang hirap pala makapasok sa bahay I mean sa mansion nyo Seichelle," sabi ni Karl nang makapasok sya sa loob ng bahay namin. Dala nya yung camera nya na as usual ay nakasabit sa leeg nya. May bitbit din syang isang malaking itim na bag. Doon yata nakalagay yung iba pa nyang gamit.
Tinulungan sya ng mga katulong namin na bitbitin yung bag nya tapos ay pinaupo ko sya sa sofa.
"Ay pasensya na. Mahigpit lang talaga si Lolo pag dating sa seguridad namin," paumanhin ko. "Ikaw lang mag-isa?" tanong ko nang mapansin kong wala syang ibang kasama.
Ngumiti sya sakin habang nagkakamot ng ulo. "Mamaya pa darating ang mga kasama ko. May pinapatapos pa ako sa kanilang article eh." sagot nya.
Tumango na lang ako.
"Anong gusto mong kainin?"
"May I have coffee americano and a garlic bread please?" sabi nya.
Tumango ako at sinabi sa katulong namin yung gusto nya.
"Ano pala yung gusto mong i-feature tungkol sakin?" tanong ko.
"Hmmm. Everything. Kung paano ba mamuhay ang isang Seichelle Donnovan," sagot nya tapos ay nilinga-linga nya ang buong sala namin.
Maya-maya pa, dumating na ang pagkain nya at nagsimula na syang kumain. Habang ako naman ay pinagmamasdan sya. Ibang klase kasi yung mga mata nya, sobrang singkit. Di ko tuloy maiwasan isipin kung nakakakita pa kaya sya? o_O
"Good morning Great Master Thomas," napalingon ako sa may hagdan nang marinig kong bumati ang mga kasambahay kay Lolo. Nakapila ang mga ito sa hagdan, wari'y hinihintay syang bumaba.
Napatayo kami ni Karl nang makababa si Lolo.
"Lo, may pasok ba kayo? Sabado ah? Bilin sakin nila mommy na wag ka raw paalisin," sabi ko.
Pero sa halip na sagutin ang tanong ko, isang nakapang-uusig na tingin ang binigay ni Lolo Thomas kay Karl.
"Ah, Lolo Thomas si Karl Sanders pala. Sya yung mag-iinterview sakin para sa school paper," pakilala ko.
"G-Good morning p-po Mister Donnovan," nauutal na bati ni Karl kay Lolo.
"Akala ko schoolmates mo ang darating ngayon? Bakit schoolmate lang?" tanong ni Lolo.
"Susunod na lang yung iba Lo. May tinatapos pa kasi sila."
Pigil ang pagngiti ko sa nakakatawang reaksyon ni Karl kay Lolo. Mukha syang takot na takot. >_
"Name?" Matikas na sabi ni Lolo kay Karl.
"K-Karl Vance Sanders po." sagot nya.
May dinukot si Lolo Thomas sa bulsa nito. Ang kanyang mahiwagang iPhone >_
Nagtype si Lolo sa phone nya. Habang kami ni Karl ay nakatayo lang at hinihintay sya.
Matapos ay binalingan nya si Karl. Ang sama ng tingin nya. Kaya itong si Karl, makailang beses ng lumulunok.
"You... don't follow me on twitter," napangiwi si Lolo na parang dismayado.
"Ah?" +______+***
~
"Butler Alex," tawag ni Lolo sa butler ko. "Call for the best make-up artist ASAP." utos ni Lolo.
"Yes Great Master."
"Lo, bakit po? Hindi naman yata kailangan na magpaganda pa ako?" dahilan ko.
"Apo, diba para sa school paper 'yan? Kailangan mong maging maganda apo. Para kapag nakita ni Daniel 'yan eh magkakandarapa sya pabalik sayo. Ahaha! Ayos ba?" malokong sagot ng Lolo ko.
BINABASA MO ANG
The Heiress Diaries
Roman d'amour[BOOK TWO of THE HEIRESS] We thought that we are perfectly made for each other. I love him. He loves me. But life isn't just running for the both us... Will we still hold on to each other and continue making hundreds and thousands of memories in my...