Konnichiwa minna!!! Sorry po dahil ngayon lng po ako nakapag-update, busy po kasi ako sa school. maraming assignment pati na rin mga pinarurush na mga gawain. Mahirap po talaga pala pag nasa special class ka no.. shout out pala jan sa mga classmate ko sa section Altair.. kaya ta ja.. sana po maenjoy niyo ang pagbabasa sa story ko.. salamat sa mga nagvovote at nagbabasa,,,
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
TRINA'S POV
Nang matapos na ang klase namin ay agad akong lumabas ng room hinanap ko muna ang bespren kong nagtext sa akin kanina na magsasabay nalang daw kami papuntang canteen.
Habang naglalakad ako ay nakita ko na ang bespren ko. Mahirap siyang hanapin dahil maliit siya. minsan nga hindi mo alam na susulpot kong galing saan nalang siya, magugulat ka nalang. hahahahaha..
Tinawag ko siya at patakbong tumungo sa kinaruruonan niya.
"Hoyyyy Keana, beshy tara na... Nagugutom na ako!!!" sigaw ko.
Ngunit natigilan ako ng may natanaw akong kasama niya. Nagtatawanan pa sila.
Lumapit ako sa kanila at tinulak ko siya ng mahina.
'' Aray naman beshy, bakit ka ba nanunulak. Epal ka e, alam mo namang may kinakausap ako, bigla-bigla ka nalang manunulak. Ansakit ha." Reklamo ni Keana.
Hindi ko lamang siya pinansin. Tiningnan ko ang tao kausap niya. Infernes, gwapo. Pero nagulat ako, Bakit siya pa.. urghh..
'' Tara na beshy gutom na ako. Nagutom ako kakahanap sayo." reklamo ko. Hindi ko nalang pinansin si Brix na nasa tabi niya. Hihilahin ko na sana si Keana ng tumikhim si Brix. Ump, papansin.
"Umm, Beshy ito pala si Brix Mikael Smith, best friend ko since elementary, Mik ito pala si Trina Brylle beshy ko rin. Hahahahahaha.. besh pwede pang sumabay si Mikael sa aton?" pagpapakilala sakin ni Keana. Pinakilala niya pa sa akin e kilala ko na yang mokong na yan. Sa bagay hindi naman alam ni Beshy na Fiance ko Si Brix.
Tiningnan ko kug ano ang reaksyon ni Brix pero ang g*go nginisihan lang ako. Ump, palibhasa para sa kanya parang wala lang nagyari.
Tumango lang ako saka kumapit ako kay Beshy. Hinila ko nalang siya patungong canteen samantala ang mokong ay nakasunod lang sa amin. At talagang nag smirk pa ng nilingon ko siya. Inirapan ko lang siya. Bahala siya sa buhay niya.
*sa Canteen*
Naghanap kami nga mauupuan namin sa loob nga Canteen. Nang makahanap na kami ay nagpaalam ako kay Keana na bibili na ako ng pagkain.
" Beshy samahan ka na ni Mik , paniguradong marami ka na namang bibilhin na pagkain, para matulungan ka niya sa pagdala papunta rito." pahabol ni Beshy. Urgh, Keana kung alam mo lang. Kinutungan na sana kita kung hindi lang kita love.
Nagumpisa na akong maglakad papuntang Counter upang mag-order ng pagkain. Nakasunod lamang si Brix sa likod ko.
Nang nakarating na kami sa counter ay pumila na kami. Pumila siya sa likod.
Tumikhim siya. Kaya nilingon ko siya. Mabuti nalang at walang nakasunod sa kanya kaya pwede ko siyang kausapin.
"Umm, Brix bakit kayo magkakilala ni Keana? At bakit may pangiti-ngiti ka pang nalalaman kanina ha. E kung mabuko tayo ha. Kailangang Secret lang ang tungkol sa atin. Ayaw kung magkaroon ng iskandalo dito sa school dahil sasabihin nilang inagaw ko raw sa kanila ang Prince Charming nila."
" Kagaya nga ng sinabi kanina ni Keana, Best friend niya ako since elementary palang kami. Oo, alam ko namang secret lang ang tungkol sa atin, nanahimik lang naman ako ha. At isa pa pag-inaway ka nilang pagnalaman nila tungkol sa'tin ay ipagtatanggol naman kita ha.*winks*. "" Oh yan na, mag-order ka na.. gutom na rin kasi ako." reklamo niya pa.
Hayyyyy.. Bakit siya pa kasi ang naging Fiance ko.. Pero dahil sa mga pinagsasabi niya ay parang kinilig rin ako.. erase.. erase.. erase... Ano ba ang iniisip mo Trina, nawalan ka na ba ng isip?.
Bumalik na kami sa pwesto namin at nag-umpisa nang kumain. Nag-uusap silang dalawa ni Keana habang ako ay sige lang ang kain. Bahala sila sa buhay nila basta nagugutom ako.
Nagbell na kaya naman ay bumalik na ako sa room ko. Nauna ako sa kanila dahil iniiwasan ko si Brix.
Habang nagkaklase kami ay parang lumulutang ang isip ko sa outer space. Wala akong naintindihan sa mga leksyon namin .
Pagkalipas ng 3 oras. Salamat at nagbell na.
Umuwi agad ako sa bahay at nagpahinga. Nauna na ako baka maabutan pa ako ng mokong na yun.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------a/n.
Salamat ulit sa mga reads at votes..
sorry dahil nngayon lang ako nakapag-update. busy talaga ako eh...
Sorry Talaga ha....
Add niyo narin ako sa fb...
Azusa....
_MIKAERA_26
vote.comment.share
BINABASA MO ANG
Engaged with My Hated Person in School
RomanceAng Kasal ay nangyayari kung ang dalawang tao ay nagmamahalan at handa ng magsama habang buhay. Ngunit pano kung hindi niyo mahal ang isa't isa at inarrage lang kayo ng kayong mga maagulang??? Magiging masaya kaba sa desisyon nila? E kung una palan...