Chapter 2: Meet the fiance

54 2 0
                                    

/a.n/ hayyy.. sa wakas naka pag update na ako... sorry sa late update po... mga mag 3 weeks na akong hindi nakapag-update kasi nga busy ako kasi may klase ako eh.. Marami rin kasi akong ginagawa kaya ngayon lang ako nakapag-update.. pero ok lang yun... Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng time...

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

TRINA'S POV

Pagkatapos ng klase namin ay agad akong pumunta ng Parking Lot kasi naghihintay na roon ang aking driver..

Habang naglalakad ako sa may hallway ay may nabangga akong tao. Bakit ba palagi nalang akong may nababangga???

Tiningnan ko kung sino ito.

"Ikaw na naman?!!?" sabay naming sabi.

hayyyy.. Bakit palagi nalang siya ang nakakabangga ko. Gwapo nga sana pero suplado naman parang araw-araw nalang may dalaw siya.. hehehehehehehe.

Habang tumatawa ako sa isip ko ay may pumitik sa noo ko.

"Aray!! Ano ba?"

"Hoy, anong nginingiti-ngiti mo jan. Nagagwapuhan ka sa akin no. Wag mo sa akin sabihing may gusto ka sakin, hindi kita type no.." sabi niya.

"Para atang may darating na bagyo, ang hangin eh... Pero sorry Mr. wag kang assuming dahil hindi rin kita type no at wag mong sabihing gwapo ka , e mas gwapo pa ang bunso kong kapatid sayo no, che..." at napairap nalang ako.

Tinawanan niya lang ang mga sinabi ko at umalis. Loko talaga ang mokong na to.. Humanda siya sa akin pag nagkita kami uli.. Magbabayad siya sa mga ginawa niya... hahahahahhahahahaha...

Nakarating na ko sa Parking Lot at Pumasok sa kotse ko at umuwi na.. nakitingin lang ko sa labas habang bumabyahe kami..

Pagdating ko sa bahay ay pumunta agad ako sa kusina upang maghanap ng pwede kung makain.

Habang kumakain ako ay biglang sumigaw si Mommy.

"Anak punta ka nga dito may pag-uusapan tayo ng Daddy mo!"

"Ano po yun Mommy?!?"

"Ah, Basta pumunta ka lang dito sa may Office ko!"

Umakyat ako sa itaas at pumunta ng Office ni Mommy.

Pagkabukas ko ng pinto ay agad akong niyakap ni Mommy.

"Ano po bang pag-uusapan natin mom?"  tanong ko sa kanya.

"Anak sana wag kang magugulat sa sasabihin namin ng Daddy mo, Para naman to sa ikabubuti mo.''  sagot niya.

"Ano po ba yon mom?" 

"Ikakasal ka na sa anak ng Bestfriend ko. sana wag kang magalit sa amin. Dahil alam koong magiging masaya ka rin sa piling ng mapangangasawa mo.''

Nagulat ako sa sinabi ni Mommy at parang tutulo ang luha ko sa sobrang galit.

" But mom,, bakit niyo po yun ginawa .. Hindi niyo na ba ako mahal? Bakit niyo ako ipinamimigay sa iba?"  hikbi kong sabi. Bakit nila ginagawa to sa akin. Ano bang nagawa ko? May nagawa ba akong mali? Bakit nila ako ginaganito?

Engaged with My Hated Person in SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon