Trina's POV
Natulala ako sa kanyang ginawa. Ilang minuto pa ako bago matauhan.
Nang matauhan ako ay agad ko siyang sinampal sa mukha. Nagulat ako dahil sa lakas ng pagkakasampal ko sa kanya. Pero binalewala ko Lang Yun.
" Walang hiya ka! Anong karapatan mo para halikan ako ha?" Pasigaw Kong Turing sa kanya.
Napaismid naman siya dahil sa sinabe ko. Kinilabutan ako sa inakto niya.
" Yun Lang pala ang gagawin para mapatahimik ka lang," nakangiti niyang turan.
" At nagtanong ka pa Kung anong karapatan ko para halikan ka ay iisa lang. DAHIL AKO ANG FIANCE MO!," may diin niyang sabi, sabay lapit ng mukha niya sa akin.
Ilang sentimetro lang Ang layo ng mukha niya sa akin. Unting galaw ko Lang ay mahahalikan ko siya ulit.
Kaya Naman ay umatras ako Ng ilang hakbang papalayo sa kanya.
Tatalikod na sana ako at tatakbo ng higitin niya ang aking kamay paharap sa kanya.
Inilapit niya ako sa kanya sabay karga pasakay ng sasakyan niya.
Tahimik nalang akong nakaupo sa tabi niya pagkaasok niya.
"Magseatbelt ka. Kung ayaw mong ako pa Ang magkakabit niyan sayo," babala niya sa akin.
Naparolyo nalang ako ng aking mata dahil sa sinabe niya. Ikinabit ko Ang aking seatbelt at tumingin nalang sa labas ng bintana.
Third person's POV
Nakabibinging katahimikan Ang nangibabaw sa kanilang pagitan. Walang balak na magsalita ang bawat isa.
Pagkalipas ng ilang sandali ay nakarating na sila sa kanilang bahay.
Naunang pumasok si Trina sa bahay at hindi na hinintay pa si Mikael na makababa Ng kotse.
Umakyat nalang siya sa kanyang kwarto upang maligo at magbihis dahil nalalagkitan na siya say kanyang pawis.
Sa kabilang dako naman ay nakangiti ng nakaloloko si Mikael dahil sa inakto ng dalaga. Aaminin Niya, pati Rin siya ay nagulat sa kanyang ginawa kanina. Hindi niya akalaing magagawa niya yun. At talagang nagtanong pa ito sa kanya Kung ano ang kanyang karapatan sa paghalik dito. Sinabe niya nalang na dahil fiancee niya ito ay may karapatan na ito. Pero sa kaloob-looban nito, ay Hindi Niya Alam. Hindi niya naman mahal Ang dalaga at bakit niya ito hinalikan.
Bumaba nalang siya ng kotse at nagtungo sa kanyang kwarto upang magpalit.
Mikael's POV
Pagkababa ko mula ng kwarto ay naisipan Kong magluto Ng hapunan. Alam ko namang gutom na Ang babaeng iyon.
Naisipan kong magluto ng sinigang na bangus dahil paborito niya daw yun.
Habang nagluluto ako ay nakita Kong pababa Ng hagdan si Brylle. Dumiretso siya sa Sala at nanoud ng movie.
Pinabayaan ko nalang siya. Tatawagin ko nalang pag tapos na akong magluto.
.
.
.Pagkatapos Kong magluto ay tinawag ko siya sa sala.
"Brylle kakain na! Punta ka na dito sa kusina," pasigaw kong turing Mula sa kusina.
Nilagyan ko na rin Ng dalawang pinggan at kubyertos ang ibabaw ng lamesa para makakain na kami.
Makalipas ng ilang minuto ay pumunta narin si Brylle sa dining room.
"Kain na, Alam kong paborito mo yan kaya nilutuan kita," saad ko nang maupo na siya.
Inirolyo niya Lang Ang kanyang mata sabay sandok ng kainin sa kanyang pinggan.
Pinagsalin ko siya ng sinigang sa isang mangkok at ibinigay sa kanya.
"Hindi ko alam na marunong ka palang magluto. In fairness ha, masarap siya," compliment niya sa linuto ko.
Tumawa lang ako ng mahina at pinanood siyang kumain.
"Hindi ka ba nagugutom? Bakit hindi ka kumakain?" Tanong niya sa akin.
Sa tingin ko nalang to dahil sa pagtitig ko.
Nakaka-amaze lang Kasi siyang panuoring kumain. Makikita mo sa mukha niyang talagang nagugustuhan niya ang luto ko.
Masaya ako dahil nagustuhan niya iyon.
"Hey! Nakikinig ka ba sa akin? Bahala ka na nga jan," pikon niyang sabi sabay tayo para ilagay ang kanyang pinagkainan sa lababo.
Napangiti nalang ako sa ikinilos niya.
Talagang malaki ang epekto sa kanya ng ginawa kong yun.
------------++---------------+++++
A/n
Sorry guys!!😭Sobrang tagal na akong nakapag-update.
Ngayon Lang Kasi nagkaroon ng time.
Hindi ko Alam Kung kailan ulit ako makakapag-update.
Reader rin kase ako kaya minsan nakakalimutan ko nang mag-update.
At dahil busy Rin sa school.😅😅
Sorry talaga guys! Gomenasai🙏
Comment
Vote
Share
-mich👌
BINABASA MO ANG
Engaged with My Hated Person in School
RomanceAng Kasal ay nangyayari kung ang dalawang tao ay nagmamahalan at handa ng magsama habang buhay. Ngunit pano kung hindi niyo mahal ang isa't isa at inarrage lang kayo ng kayong mga maagulang??? Magiging masaya kaba sa desisyon nila? E kung una palan...