a/n: For a very long period of time ako hindi nakapag-update dahil busy talaga ako sa school. Maraming activities na sinasalihan, pati na rin projects marami. Humihingi po talaga ako ng sorry sa mga nagbabasa nito..
Salamat po pala sa mga votes at reads..
I will try my best to update my story..
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mikael's POV
Hayy buhay... para na akong mababading nito. nakaka-stress.. sunod- sunod ang kamalasan na dumating buhay ko.
Una nagbreak kami ng pinakamamahal ko na babae. Sa kanya ko lang ipinakita ang totoong ako. Minahal ko siya ng todo, ngunit binalewala niya lang ang lahat ng 'yon. Kahit ano man ang gawin ko para bumalik lang siya sa akin. Binigay ko ang lahat ng gusto niya, dahil mahal na mahal ko siya pero para sa kanya wala lang to dahil ngayon break na kami.
Nadagdagan ang stress ko dahil sa mga nangyayari ngayon, inarrange marriage ako sa isang babaeng hindi ko naman kilala. Mas malala pa ay para siyang amazona, palagi niya kasi akong sinusuntok o di kaya'y binabatukan kung kaming dalawa lang ang magkasama.
Masarap kasi siyang asarin, dahil kung nagagalit siya ay ang cu... ahhhh... erase-erase hindi tama ang iniisip mo sa kanya Brix. Hindi siya cute dahil isa siyang gorilla kagaya ni kingkong.
Umuwi na ako sa bahay ng matapos ang klase namin dahil hindi naman nagyaya ang mga kabarkada ko. Siguro busy na naman sila sa business ng mga magulang nila na sila ang magmamana.
Nang makapasok na ako ay nakita ko ang mga magulang ko na parang may pinag-uusapan sila. Parang may pinagpaplanuhan silang isang bagay. Kung tungkul naman to sa kasal namin ni Brylle e tapos na nilang pagplanuhan yun.
" Good evening po ma, pa." bati ko sa kanila. Paakyat na sana ako sa kwarto ko nang tawagin nila ako.
"Nak, punta ka nga dito may sasabihin kami ng papa mo sayo." sigaw ni mama.
Bumalik ako sala. At umupo sa sofa.
"Ano po yun?"
"Wag ka sanang magulat ha?. Titira kayo ni Trina sa Iisang bahay para makilala niyo pa lalo ang isa't isa."
"Ano?!?"
"Lilipat na kayo bukas sa bago niyong bahay and that's final."
"But,... ughhhh..."
Nakakainis talaga. Wala talaga akong magagawa. Basta sinabi nila bawal ko nang kontrahin pa... Baka mapunta pa sa iba ang usapan..
Umakyat nalang ako sa kwarto ko at natulog.
...... .................................
TRINA'S POVNagmamadali akong maligo dahil malalate na ako..
Ang alarm clock ko kasi hindi tumunog.. Sinisira kasi to ng gwapo kong kapatid..
Pagkatapos kong maghanda ay bumaba na ako sa may dining room para mag-almusal.
Parang mabango ulam namin ah.. Pero babye masarap na ulam dahil malelate na ako..
"Ma!, alis na po ako. Malelate na kasi ako. Sa school nalang ako kakain."
"Wait lang 'nak hintayin mo ko may sasabihin lang ako."
![](https://img.wattpad.com/cover/107529892-288-k502990.jpg)
BINABASA MO ANG
Engaged with My Hated Person in School
RomanceAng Kasal ay nangyayari kung ang dalawang tao ay nagmamahalan at handa ng magsama habang buhay. Ngunit pano kung hindi niyo mahal ang isa't isa at inarrage lang kayo ng kayong mga maagulang??? Magiging masaya kaba sa desisyon nila? E kung una palan...