Prologue

78 2 0
                                    

Prologue:

Emily's POV


Naglalakad ako pauwi ng may makita akong lalaking napakapamilyar ang tindig at postura.

Matangkad siya, mga 5'11 ang taas. At napakalakas ng presence niya.

Habang papalapit ng papalapit siya. Bumibilis ang tibok ng puso ko.

Kinakabahan ba ako?

Parang gusto kong tumakbo papunta sa kaniya at yakapin siya ng mahigpit.

Shit! Sino nga ba siya? Kilala ko siya. Pero bakit hindi ko matandaan?

Papalapit ng papalapit kame sa isa't - isa. Pilit kong inaalala kung sino nga ba siya at saan ko siya nakilala.

Hangang sa.. Sobrang lapit na namin sa isa't-isa.

At ng iangat niya ulo niya mula sa pagkakayuko habang hawak niya ang cellphone. Napansin niya ako at sabay ngumiti na akala mo, kilala ko siya. Tapos bigla siyang tumango sakin na may kasamang matamis na ngiti.

Yung ngiti niyang, napatulala ako saglit at gumaan ang loob.

Feel ko, nakita ko muli yung ngiti na hinahanap ko, sa matagal na panahon.

Wala na akong magawa kundi gantihan nalang siya ng ngiti at tumango narin.
Yung ngiti kong parang nagsasabing

" Nakita kita muli".

Hindi ko naman sinasadiya. Basta yun ang nararamdaman ko sa mga oras na'yon.

Nang magkatalikuran na.. Kumunot bigla ang noo ko. At pilit ko talaga siyang inaalala.

Sino nga ba siya? Saan ko nga ulit siya nakita?

Fate's DesignWhere stories live. Discover now