Chapter 5: Gone

19 2 0
                                    

Chapter 5: Gone

Emily's POV

Habang walang gana akong nakikinig sa aking guro ngayong araw... Nabuhayan ako ng bigla siyang magtaas ng boses.

" Anong nangyayari diyan sa likuran at bakit ang iingay niyo diyan? "

Bigla akong naalarma dahil nabanggit ng teacher namin yung mga kaklase ko sa likuran.

Ayukong lumingon sa likod at baka makita ko ulit siya. Kaya yumuko nalang ako at kunwari wala akong alam.

Nang malaman ko yung dahilan ng kaguluhan ng mga kaklase ko..

Natawa ako dahil Pokemons lang pala ang dahilan ng lahat.

" Mga loko, nagdadala ng laruan, alam naman nilang bawal yan. Papatayuin sila panigurado. Hayss... Ayaw ko pa naman ng taong napapahiya. "

Mga salitang pumapasok sa aking isipan.

" Yung pokemons ko po inagaw ni James. "

Napakapamilyar na boses yung narinig ko. Bigla akong kinabahan at mas lalong ayukong tumingin sa likuran.

Dahil nakayuko ako, nagulat ako ng may biglang may mga taong naglakad at tumayo sa harapan.

Ayukong makita mga mukha nila. Bukod sa ayuko ng taong napapahiya.

Baka kasama siya sa napatayo sa harapan. Kakamuhian ko ang teacher namin kapag nangyari yun. And baka malusaw ako kapag nakita ko siya sa harapan ko na nakatayo.






Habang lumilipas ang maraming araw. Lalo ko siyang nagugustuhan. Magaling siya sa iba't-ibang bagay lalo na sa angking galing niya sa pag guhit.

Lagi siyang may hawak na lapis at pinapaikot niya sa kaniyang mga daliri. Napaka lakas talaga ng dating niya sakin at kapag nasa paligid ko lang siya, para akong natutunaw.

Lagi nalang akong nagpapantasiya sa aking isipan. Hawak ko kamay niya. Nag-uusap kameng dalawa parati. At ako ang katabi niya sa upuan. Hindi ko man siya bukhang bibig, pero siya yung bumubuo ng araw ko.




Pero...



Nagbago ang lahat ng humantong yung nararamdaman ko sa kaniya sa pagkamuhi.





Isang araw, binully ni James si Lucy.

Siyempre, hindi ako makakapayag sa ginawa niya.

Nagsagutan kameng dalawa sa likod ng classroom namin at walang umaawat. Dahil recess yun, walang teacher rin ang magsasaway rin sa amin.

" Hubaran kita diyan eh"

Ng marinig ko ang sinabi ni James. Hindi ko napigilan ang sarili ko sa galit.

Kinuha ko yung basahan na nasa labas ng pintuan namin at hinagis sa kaniya.

Deretcho sa mukha niya yung basahan. Buti nga sa kaniya. Basura kasi bibig niya. Kaya nararapat lang sa kaniya yun.

" Punyeta ka! Bakit mo hinagis yun?"

" Dapat lang sayo yan! At huwag mo akong mumurahin! Hindi ako nagmumura! Gago!"

Dumating si at inaawat na ako. Alam niyang babae ako at hindi ko kaya si James kapag napang abot kame.

Tumingin ako sa likuran ni James kung saan nakaupo lang siya.

Walang pakialam si Avery sa amin. Nakaupo lang at parang walang naririnig.

Pilit kong kinukuha ang attention niya. Gusto kong humingi ng tulong sa kaniya at awatin niya ang kaibigan niyang si James.

Ng tumingin siya sa amin. Tumawa pa. Pinagtawanan pa kame ng malaman niyang magsusuntukan na kameng dalawa.



Sa araw na iyon..

Nawala ang pagtingin ko sa kaniya. Nakakainis siya at wala siyang kwenta. Sobrang galit na galit ako sa kaniya hangang sa matapos ang school year, hindi ko siya pinapansin.

Wala na rin yung feelings ko para sa kaniya. Hangang sa.. Kinalimutan ko na siya ng tuluyan.

Fate's DesignWhere stories live. Discover now