Chapter 3: His name

30 2 0
                                    

Chapter 3: His name

Emily's POV

Pag gising ko sa umaga, normal na ang lahat. Hindi ko na siya maalala at ang nakakainis niyang ngiti kasabay ang mga kumikislap niyang mga mata.

Shit..! Late na naman ako. Takbo Emily! Takbo!

Kahit kailan talaga hindi ako natututo. Buti nalang at lagi akong nauunang pumasok sa room kaysa sa teacher ko. Nakakatamad kasing pumila sa court ng school bago pumasok sa classroom. Kaya ayun. Take the consequence Emily.

Parami na ng parami yung mga kaklase kong nagre-recite. Buti nalang at tinutulungan na nila ako. Kasi pag nagtatanong ang teacher, wala ng ibang bukhang bibig kundi Emily nalang kapag walang nagtataas ng kamay ni isa. Kaya no choice ako kundi makinig rin. Baka kasi wala akong masagot kapag tinawag ako.

One time, nagtanong yung teacher namin. Then bigla niyang tinawag yung tao sa likod.

Napalingon rin ako sa likod. At sobrang nagulat ako sa taong tinawag ng teacher namin.

Siya. Oo, siya nga yun. Yung lalaking napatulala ako sa ngiti niya kahapon.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Sobrang lakas ng dating niya sa'kin. Lalo na kapag nakatayo siya. Yung mata niyang napakamisteryoso. Yung ilong niyang sobrang bagay sa kaniya. At yung labi niyang nakakatunaw kapag ngumiti.

Hindi ko naintindihan yung sinabi niya. Pero ang ganda ng boses niya.

Napakasoft at medyo boses babae para sa isang lalaki.

Hindi ko maalis sa isip ko yung boses niya. Paulit-ulit kong naririnig sa aking isipan.

Nababaliw na yata ako. Can you please get out of my head?

Patay! Baka may powers siya. "Mind control"

Shit! Nakakatakot naman. Isip Emliy. How can you beat him?
Think! Think! Think girl!

Well, he's a freak guy.
Absolutely! Freak siya. Kinokontrol niya ako. Baka gusto niya akong kontrolin at gamitin sa binabalak niya. Kung ano man yun.. Hinding-hindi ako magpapatalo sa kaniya.

Breaktime*

Hayss.. Buti nalang at kainan na. Babalik na ako sa normal nito. Siguro gutom lang ito.

Lumabas na kame ni Lucy. Ang lagi kong binibili tuwing breaktime namin nun ay spaghetti. Hindi lang dahil sa paborito ko siya. Ang sarap kasi talaga ng luto ni Ate.

" Nakalimutan kong bumili ng Juice Emily".

" Sige, dito ka nalang sa room. Ako na bibile. Bibilisan ko nalang."

Sa pagmamadali ko. Wala sa isip ko at dumaan ako sa likurang bahagi ng pinto ng classroom namin.

Hindi pa ako nakakalabas ng pinto. Muntikan ko ng mabangga yung lalaking kasing tangkad ko. Pamilyar yung tindig at postura niya na kahit nakayuko ako, alam ko na kung sino siya.

" Avery! "

Sigaw ng lalaki mula sa labas.

Dalawa kame napalingon sa lalaking sumigaw.

At sabay kameng napalingon sa isa't - isa. Binaling niya agad ang tingin sa akin at ngumiti na naman siya.

Yung ngiti niya ay dahil sa tinawag siya ng kaklase namin.

Pero yung ngiting yun ang dahilan kung bakit naisip ko ito..

" Ganito ba ang feeling kapag nahanap mo na yung crush mo? "

Fate's DesignWhere stories live. Discover now