Chapter 6: Where is she?
Avery's POV
Ang araw na ito ay ang mismong pagpapaclearance namin at nagtataka ako kung bakit hindi ko siya nakita nung araw na iyon..
Teka? Hindi ko alam kung bakit ko siya hinahanap. Tinamaan na ata ako sa kanya? Kung kelan patapos na yung school year namin saka pa ako nagkakaganito.
Ng malaman ko na siya yung first with honors sa section namin, mas lalo akong tinamaan sa kaniya.
" Yes! Masisilayan ko na siya muli ."
Akala ko pa naman makikita ko siyang umakyat sa stage at sabitan ng medalya. Pero ni anino niya.. Hindi ko man lang nakita. Sobrang nalungkot ako nun at nagtataka kung bakit hindi siya nagpapakita.
Hanggang sa matapos na talaga ang school year namin, hindi ko na siya muling nakita pa. Sobrang nalungkot ako dahil hindi ko man lang nasabi sa kanya na gusto ko siya.
Ganito pala yung feeling ng mainlove sa isang classmate mo ngunit huli na ang lahat para masabi mo sa kanya ang nararamdaman mo para sa kanya.
Emily's POV
* Umiiyak *
Ano bang ginawa kong mali?
Bakit ayaw maniwala ni mama na inaayos ko naman pag-aaral ko?Lagi naman akong nasasabitan ng medalya. Bakit ngayon, ayaw niyang maniwala sa akin?
" Saan ka pupunta? "
pasigaw na tinanong ni mama.
Kunwari wala akong narinig. Tumakbo ako papunta sa school namin.
Dahil bata pa ako, hindi ko alam na pwede naman na kahit teacher ko nalang yung magsabit ng medalya ko.
Mula sa labas, pinagmamasdan ko yung mga batang umaakyat kapag tinawag yung pangalan nila at sinasabit ang medalya.
Sobrang sakit dahil hindi man lang ako maka akyat at sabitan ni mama. Hindi ko man lang napatunayan sa lahat ng tao na wala akong kwenta.
Napaluha nalang ako sabay tumakbo pauwi ng bahay. Hindi narin naman kame magtatagal sa lugar na ito. Lilipat na kame ng bahay. Malayong-malayo sa lugar na ito. Mamimiss ko ang lugar na ito. Lalong-lalo na si Lucy.
Bago ako umalis, nagpaalam kame sa isa't-isa ni Lucy. Nagbitiw ng pangako na huwag kakalimutan ang pagkakaibigan naming dalawa. At sana, magkita kameng muli sa paglaki namin. Walang makakalimot. Best friends for life.
" Babalik rin kame dito sa Caloocan. Bibilhin namin yung bahay ni Tito dito kaya magkikita tayong muli Lucy. Pangako yan. "
Author's note:
Fast forward ko na guys. Hehehe *After a decade..
Avery's POV
Makakatapos na sana ako ngayong taon sa pag-aaral ko sa college pero huminto ako dahil sa walang kakwenta-kwentang bagay at panay ang bulakbol habang ako ay nag-aaral. So, Nagpasya nalang ako na huminto na muna.
Isang araw ay naglalakad ako sa kahabaan ng waiting shed sa dating elementary school na kung saan ako grumaduate at nang biglang..
May isang babae akong nakasalubong at napakapamilyar sa paningin ko. Nung nakita ko siya, Kakaiba ang aking naramdaman at natigilan ako ng ilang saglit at sabay akong ngumiti at tumango sa pagkakayuko ko nang masilayan ko yung isang babaeng napakapamilyar. At gumanti rin siya ng pagtango sakin at sa pag ngiti niya na iyon ay bigla ko siyang naalala..
Nung makalagpas na kami sa isa't-isa..
Pilit kong pinagtanto kung sino yung babaeng nasalubong ko at inisip ko na yun na kaya si Emily?
Tumuloy ako sa paglalakad at tinignan ko siyang muli habang naglalakad papalayo sakin.
Woooo! Siya na nga kaya talaga si Emily?
Pilit kong tinatanong sa sarili ko habang kinikilig at tuwang-tuwa sa galak.
Hanggang sa makauwi ako ng bahay, Hindi ko parin maalis sa isip ko yung itsura niya at ang kanyang matamis na ngiti.
Hayys.. Lagi na akong nakatunganga sa kwarto at hindi ko parin siya makalimutan. Na tila bang parang wala na akong naririnig at iniimagine ang kanyang mukha..
"Nabuo niya ang araw ko nung makita ko siya"
Sinambit ko sa isip ko.
YOU ARE READING
Fate's Design
Non-FictionTungkol ito sa dalawang taong matagal ng magkakilala pero kahit kailan.. Hindi man lang sila nag-usap, nagkibuan or kahit man lang magpansinan. Kahit nagkikita na silang dalawa sa daanan. Hindi mo aakalain na magkakilala pala silang dalawa simula b...