Chapter 4: Her name

27 2 0
                                    

Chapter 4: Her name

Avery's POV

   Simula na ng unang klase. Sa araw na iyon.. Hindi na ako makapaghintay na makita at makilala ang mga magiging kaklase ko.

Patuloy akong naglakad-lakad para mahanap ko ang section ko.

Sa totoo lang, Hindi ko alam kung anong gagawin nung time na yon para mahanap ang section ko. Dahil isa akong mahiyaing bata ng mga araw na iyon at hindi makabasag pinggan. Hahahaha

Pagkalipas ng ilang minuto at sa wakas.. Nahanap ko rin ang section ko

* Kalinisan *

   Nabasa ko habang hawak ng isang batang babae na nakauniporme. Baka isa siya sa magiging kaklase ko.

Agad akong pumila ng makita at mabasa ko yung karatula.

Maya-maya lamang ay isa-isa na kaming pumapasok sa aming magiging classroom at magpakilala sa bawat isa.

Sumunod na araw..

   Tila may isa akong kaklaseng babae na nakakuha ng atensyon ko.

Sobrang late na siya at dali-dali siyang pumasok sa aming silid kahit nag-uumpisa na ang klase. Di alintana sa kanya kahit late at parang walang nangyari.

Medyo natawa ako dahil sa bukod sa pagpasok niya ng biglaan..

Natawa ako sa porma niya na parang sumabak sa giyera na biglang nahimasmasan.

Gusot ang uniform, Bigat na bigat sa dala-dala niyang briefcase na pink. At napansin ko na kakaiba yung hairdo niya.

      Natapos na ang apat na session ng klase, Break time na at yun ang pinaka paborito ko sa lahat. Hahaha. Hindi niyo ako masisi.

Lumabas kami ng mga kaibigan ko para pumunta ng canteen at para makakain narin nang biglang..

Nasalubong ko ulit si gusot-gusot.

Actually, Hindi ko pa talaga alam yung pangalan niya dahil nung time na nagpakilala siya sa harap eh hindi ako nakikinig at panay ang daldalan. Bukod doon, wala akong interest na makinig sa pagpapakilala ng mga kaklase ko talaga.

Dinedma ko lang muna at agad kaming nagpatuloy na maglakad papuntang canteen.

    Nang makalayo na siya, palihim ko siyang inaasar sa mga kaibigan ko.

   Paano ba naman kasi, ganon ang itsura niya?

Gusot ang uniform. Kakaiba na nga ang hairstyle, hindi man lang marunong magsuklay.

Pagkatapos ng pagbili namin ng mga kasama ko sa canteen.

Nakita kong mag-isang kumakain yung kasama lagi ng babaeng yun. Agad ko siyang nilapitan para itanong sa kanya yung pangalan ni gusot. ( Pero siyempre, siya muna ang unang tatanungin ko para hindi mag-isip ng kung ano.)

" Miss, Ano nga palang pangalan mo? Ako nga pala yung classmate mo. "

" Classmate kita? Saan ka ba nakaupo?" 

pagtataka niyang tanong.

" Uhm, Sa likuran. Sa may right side banda ng classroom natin"

" Ahh. Ganon ba?  Lucy po. Bakit pala ? "

" Ako nga pala si Avery."

*Shakehands*

"Eh ano naman yung pangalan ng kasama mo kanina? Yung gusot-gusot yung uniform? "

" Gusot-gusot yung uniform? Sino yun?  Si Emily ba tinutukoy mo? Siya lang naman yung lagi kong kasama"

"Ahh. Emily pangalan non? Sige salamat ahh? "

Bigla nalang akong tumakbo papunta sa upuan ko.

At nang makaupo na ako sa upuan ko. Tinawag ko ang isa kong katabi at kinuwento kung anong nangyari sa pagtatanong ko. At agad kong sinabing..

"Emily pala yung name niya. Pero hindi ko parin papalitan yung tawag ko sa kanya. * Gusot-gusot * "

Sabay kaming nagtawanan ng katabi ko. Mas bagay talagang itawag sa kaniya yung gusot-gusot para sa akin.


Lucy's POV

" Ano kayang pakay nun?  "

Lagi nalang may nagtatanong ng pangalan ng kaibigan ko. Baka mamaya, mapano siya kapag sinabi ko yung pangalan niya sa susunod.

Maya- maya, dumating na si Emily mula sa canteen at umupo sa tabi ko. Agad kong kinuwento yung lalaking nagtanong kanina.

" May nagtanong ng pangalan mo kanina. "

" Ha? Sino?  " pagtataka niyang tinanong.

" Kaklase natin. Sa likod raw siya nakaupo ".

" Saan dun? " Sabay lumingon siya sa likuran .

" Ewan ko. Hindi ko siya maalala eh. "

Hindi ko maalala yung mukha niya pero ang alam ko. Nagtanong siya.


Avery's POV

   Natapos na ang aming recess at agad ding dumating ang susunod naming teacher sa mga oras na yon.

Habang nagtuturo na yung teacher namin, abalang nagdadaldalan kame ng mga katabi ko sa bandang likuran at nagpapalitan ng mga maliliit na laruan na tinatawag namin na Pokemons. 

Maya-maya, dumating at tumabi sa'ming magkakaibigan ang isang asungot kong classmate na ang pangalan ay James.

Agad siyang nakiapid sa mga nangyayaring palitan ng mga pokemons at bigla nalang niyang hinablot lahat ng mga laruan namin.

Gulat na gulat ako sa ginawa niya at labis kong ikinagalit. Siyempre, hindi ko basta-basta ibibigay yung akin ng ganon-ganon lang.

Napansin ng teacher namin na nagkakagulo na sa bandang likuran.

" Anong nangyayari diyan sa likuran at bakit ang iingay niyo diyan? " 

Pagalit niyang tanong.

" Ma'am, Inagaw po kasi nila yung laruan ko. " 

Akala mo aping-api yung tono ng boses ni James.

" Diba bawal magdala ng laruan sa paaralan? Anong laruan ba yung pinag aawayan niyo? "

" Yung pokemons ko po inagaw ni James ".

Nagmamakaawang tono ko ng pananalita.

At agad kaming pinatayo ng aming teacher kasama ang iba kong kaklase.

Pinapunta na kami sa harap at bigla kong naalala na sa harap pala nakaupo si Emily.

Sobrang nahiya ako dahil sa nangyari at hindi ako makatingin sa kanya sa sobrang hiya.

Hindi ko alam kung nakatingin siya sakin habang nagsesermon yung teacher namin pero hindi ako nagtangkang tumingin pa sa kaniya.

Sa totoo lang, dapat hindi ako mahiya sa kaniya. Pero, nahihiya talaga akong tumingin sa kaniya dahil inaasar ko siya ng patago. Feel ko, karma itong nangyayari sa akin ngayon.

Fate's DesignWhere stories live. Discover now