Chapter 2: What's with the crush?
Emily's POV
11:50 am
" Ano ba Emily ? Hindi ka pa ba papasok?"
Medyo pasigaw na sabi ni mama.
Masiyado pang maaga para sa 12:00 nn na pasok. Harap lang ng bahay namin yung school ko. Wala pang isang minuto, nasa school na ako. Tatawid lang ako mula sa bahay namin, nasa school na ako.
Sa katigasan ng ulo ko, lagi tuloy akong nalilate. Lampas ng 12nn ako pumupunta sa school. Disadvantage rin kapag malapit lang yung school mo, tinatamad kang gumalaw.
" Hayss.. Napakaboring na naman na araw. Lahat nalang na tinuturo nila, alam ko na. Paulit-ulit nalang, nakakasawa na. "
Habang nakikinig sa guro at nakapatong yung baba ko sa palad ko, yan ang nasa loob ng aking isipan.
Iba kasi ang turo sa probinsiya at sa siyudad. Buong araw kasi ang klase sa probinsiya, kaya maraming oras para ituro sa amin ang lahat ng dapat naming malaman. Eh, dito sa siyudad.. kalahating araw lang. Sobrang kulang sa oras para ituro ang dapat malaman sa araw na iyon.
Habang hinihintay yung susunod naming guro. Tinanong ako bigla ni Lucy na kinagulat ko at napangiti ng wala sa oras.
" Sino yung crush mo dito? "
Ano ba namang klaseng tanong iyan. Lagi nalang tinatanong sakin yan eh, hindi ko nga alam kung anong ibig sabihin niyan.
" Ano ba yung crush?" sagot ko sa kaniya na medyo sarcastic.
" Hindi mo alam yun?" gulat na gulat na tanong ni Lucy.
" Alam ko naman yun pero, hindi ko alam kung bakit at para saan yun."
Malumanay kong sinagot sa tanong niyang medyo pasigaw.
" Yung crush ba, yun ba yung.. Laging bukhang bibig mong lalaki sa araw-araw? Yung hahampasin mo ako bigla kapag dumaan siya or nakasalubong mo siya? Yun ba yung sisigaw ka bigla kapag napatingin siya sayo? Yun ba yung nananaginip ka na ng gising kapag nasa paligid siya? At mas lalong, yun ba yun kapag wala siya, sirang-sira na araw mo? "
Anong maganda sa crush? Kinakawawa mo lang sarili mo. Nagmumukha ka lang tanga kaya. Nabwibwisit kaya ako sa crush thing na yan. Ano bang meron diyan? Bata bata pa natin eh. Marami ang dapat isipin. Lalo na kung anong kakainin natin mamaya. Nagugutom na ako eh.
Well, ganiyan talaga pumapasok sa isip ko nung bata pa ako. You can't blame me. Bata pa ako eh. Besides, mahirap akong magkagusto sa isang lalaki.
" Ikaw lang yung na-encounter ko na ganiyan Emily ".
Pagmamangha na sinabi sakin ni Lucy.
" Paano mo nalaman din yun? Ibig sabihin, may crush
ka na? ".Bigla akong natawa ng malakas sa tinanong niya ulit.
" Ano ka ba Lucy? Gawain kasi yun ng mga kaklase ko dati. Kaya alam ko talaga. Besides, tinatanong ko rin sa kanila kung ano yung crush para sa kanila. Tapos nanghahampas pa bigla-bigla. Sarap suntukin ng crush nila eh. Naku, talaga! Kapag hindi ako nakapagpigil...
Sasabihin ko sa crush nila..Hoy! Crush ka raw nito.
Lagi akong hinahampas kapag dumadaan ka. Ano bang problema mo? Napupuno na ko sayo. Sasapakin kita eh. "" Emily talaga ".
Sinabi niya, habang tumatawa siya.
" Pero ito lang ang ipagyayabang ko.. Maswerte ang lalaking magiging crush ko."
" Paano mo naman nasabi? "
habang yung kilay niya
nakakunot." Ano ka ba? Kasi siya yung magiging una kong crush. Ang swerte niya diba? Siya yung unang lalaking pagmumukhain akong tanga? Hahahaha!"
" Baliw ka talaga Emily ".
" Totoo naman talaga. Hay, naku! Tama na nga yang crush na crush na iyan. Mas gusto ko ng Ice crushed for halo-halo. Nagugutom na talaga ako. "
Ang tagal naman ng teacher namin.
Naiinip na naman ako. Habang naiinip ako. Napaisip ako sa pinag-usapan namin ni Lucy kanina.Habang nakaupo, pinagmamasdan ko ang mga kaklase kong lalaki sa likuran.
" Hmm.. Sino kaya ang maswerteng lalaking pagmumukhain akong tanga? "
Inaalisa ko talaga silang lahat, pinagmamasdan at may isa akong napansin.
Nakaharap siya sa katabi niya. Tawa ng tawa yung katabi niya at nakikinig lang siya. Napansin ko siya kasi ang tangos ng ilong niya. Ang ganda rin ng mga mata niya. Medyo hindi siya kaputian. Pero, ang dating niya sakin ay kakaiba.
Tumawa ng malakas yung katabi niya sabay napaharap siya sa kinauupuan ko at napatitig sa akin ng sandali, sabay ngumiti.
Bigla akong natulala sa ngiti niya at sa mga mata niyang nakatitig sa akin. Kahit hindi na siya nakatingin..
Ang nakikita ko parin ay yung scene na, nakatitig at nakangiti siya sa'kin.
Hindi na naalis sa isipan ko ang mukha niya. Tulala ako at hindi na nakikinig sa tinuturo.
" Emily? Tara na! Bumili na tayo sa labas".
Alam kong naririnig ko si Lucy. Pero hindi ako makaresponse.
Sabay hinila nalang niya ako patayo at natauhan ako.
" Sige. Sasamahan kita. Hindi ako kakain".
" Ha? Bakit?"
" Wala akong gana kumain".
" Akala ko ba, nagugutom ka na?"
Sagot niya sakin na parang hindi makapaniwala.
" Basta wala akong gana ".
Matamlay kong sinagot sa kaniya.Yung araw na iyon.. Nahanap ko rin ang aking katapat.
YOU ARE READING
Fate's Design
Non-FictionTungkol ito sa dalawang taong matagal ng magkakilala pero kahit kailan.. Hindi man lang sila nag-usap, nagkibuan or kahit man lang magpansinan. Kahit nagkikita na silang dalawa sa daanan. Hindi mo aakalain na magkakilala pala silang dalawa simula b...