Chapter 7: found you again

35 3 0
                                    

Chapter 7: found you again

Emily's POV

Naglalakad ako pauwi ng may makita akong lalaking napakapamilyar ang tindig at postura.

Matangkad siya, mga 5'11 ang taas. At napakalakas ng presence niya.

Habang papalapit ng papalapit siya. Bumibilis ang tibok ng puso ko.

Kinakabahan ba ako?
Parang gusto kong tumakbo papunta sa kaniya at yakapin siya ng mahigpit.

Shit! Sino nga ba siya? Kilala ko siya. Pero bakit hindi ko matandaan?

Papalapit ng papalapit kame sa isa't - isa. Pilit kong inaalala kung sino nga ba siya at saan ko siya nakilala.

Hangang sa..

Sobrang lapit na namin sa isa't-isa.

At ng iangat niya ulo niya mula sa pagkakayuko habang hawak niya ang cellphone. Napansin niya ako sabay ngumiti na akala mo, kilala ko siya. At Tumango siya sakin.

Yung ngiti niyang, napatulala ako saglit at gumaan ang loob.

Feel ko, nakita ko muli yung ngiti na hinahanap ko, sa matagal na panahon.

Wala na akong magawa kundi gantihan nalang siya ng ngiti at tumango narin.

Yung ngiti kong parang nagsasabing

" Nakita kita muli".

Hindi ko naman sinasadiya. Basta yun ang nararamdaman ko sa mga oras na'yon.

Nang magkatalikuran na.. Kumunot bigla ang noo ko. At pilit ko talaga siyang inaalala.

Sino nga ba siya? Saan ko nga ulit siya nakita?





Kinabukasan..

Naalala ko na kung sino siya.

Lintik yan! Nakita ko na siya ulit.

Sabagay, dito naman siya nakatira talaga. At nakabalik narin ako.

Hayaan mo na nga, nakalipas na.

Pero bakit ngayon ko lang siya nakitang muli? Matagal na akong nakabalik dito ah? Third year college na ako ngayon.

Almost 7 years na akong nakabalik dito. Bakit ngayon lang siya nagpakita?

Ma-add nga siya sa Facebook. May facebook account kaya yun?

Masearch nga muna.



Typing...
Avery............


Ay! Ano nga ba ulit apliyedo nun?

Sabay tumawa ako ng malakas. Nakalimutan ko na pala.

Naalala pa kaya ni Lucy yun? Hayaan mo na nga. Hindi ko nalang itatanong sa kaniya. Nasa school rin pala yung babaeng yun. Makaistorbo pa ako.

Search ko parin baka lumabas yung mukha niya.

Searching....

Daming Avery naman dito sa mundo!

Hayss.. Ma-add na nga lang lahat.

Dahil hindi parin nawawala sa isipan ko na wala siyang kwenta ng mga panahon na iyon.

Pagtritripan ko siya sa social media.

Panay * Hahahaha * ang comment ko and laughing emoji ang reactions ko sa mga posts niya.






Then one time, nag response siya sa comment ko.



Facebook *

Avery
March 4 at 5:27pm

Ngunit paano babawi sa pagkakamali?



Ay, bonga ng post niya. Maka comment ngang hayop siya.

Typing...


Kahit anong gawin mo. Hindi mo parin matatakpan ang pagkakamali mo.

And then post. Maya-maya, nag response siya sa comment ko na sobrang ikinatawa ko ng malakas.

" Sorry na kasi. "

Simula nun.. Ang sarap niya ng pagtripan sa mga post niya sa Facebook.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fate's DesignWhere stories live. Discover now