Chapter 4:100 hits

3.1K 155 4
                                    


Ziyu’s POV

   Nasilaw ako sa liwanag na nanggagaling sa bintana. Dahan-dahan kong ibinuka ang mga talukap ng mata at tinitigan ang kahoy na kisame. Biglang sumagi sa isip ko ang huling bagay na natatandaan ko.

Ramdam ko ang mahigpit na mga benda na nakatali sa iba’t-ibang parte ng katawan ko. Hindi na ganoon kasakit ang mga sugat at hiwa na natamo ko, at mas magaan na rin ang pakiramdam ko kaysa noong araw na ‘yon. Pakiramdam ko may kung anong kumakain mg natitirang enerhiya sa katawan ko noong mga oras na kalaban ko amg mga estrangherong ‘yon.

Pinilit kong maupo sa matigas na kama at pinagmasdan ang mga sugat sa katawan ko. May benda sa braso at binti ko. Kitang-kita rin ang mga pasa at maliliit na sugat.

"Gising ka na pala.”


Napatingala ako nang marinig ang boses na ‘yon. Agad kong nakita si Shayes na may hawak ng tray ng pagkain sa may pintuan. Gawa sa kahoy ang tray na hawak niya at ang pinggan at baso naman ay gawa sa bao.

“Mabuti pa kumain ka na,” utos niya at inilapag ang pagkain sa kalapit na mesa.

Pinagmasdan ko siya habang pinagdududahan ang ipinapakita niyang kabutihan. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako iniligtas sa mga ‘yon. Napansin ko ang pagbabago ng kasuotan niya. Shayes was wearing a brown skirt and a white V-neck t-shirt. Nakalugay ang buhok nito at bahagyang umikli ang buhok.

“Hindi ka mabubusog kung tititigan mo lang ako,” asik nito.

Iniiwas ko ang tingin sa kaniya. Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ako tinulungan pero walang salitang lumalabas sa bibig ko.

“Kain na,” utos niya sa akin na tila ba kung hindi ko gagawin ang gusto niya ay ibubuhos niya sa akin ang mainit na sopas.



Tumango lang ako at umupo sa medyo malapit na parte ng lamesa. Kinuha ko ang kutsara at sumalok ng sabaw ng sopas. Sa totoo lang ay nagugutom na rin ako. Hindi ko tatanggihan ang pagkaing inaalok niya.

Naramdaman ko ang marahan niyang pag-upo sa tabi ko. Her natural scent is a bit distracting. Umisod ako nang bahagya dahil sa paglapit niya. Kung nagawa niyang akitin si Kyre, sigurado akong magagawa niya rin sa akin ‘yon.

  “So one week na pala ninyo akong hinahanap. Congrats dahil sa wakas natagpuan mo na rin ako,” pabiro ngunit seryoso ang tono niyang saad. Sumubo ako ng sopas at ninamnam ang lasa nito.

"Sa lagay kong ito paano kita mahuhuli?” tanong ko sa kaniya. Sa aming dalawa, ako ang sugatan. P’wedi na nga niya akong takasan ngayon e.

“Kung ganoon dapat na ba akong tumakas?" tanong niya na tila hinuhuli ang nasa isip ko. Alam kong nagbibiro lang siya pero hindi ba ‘yon naman dapat ang gagawin ng isang kriminal?


“Why not? You already have the chance. Kung ako sa‘yo sasamantalahin ko na ang opurtunidad na makatakas,” seryoso kong saad. “Maiba lang ako, bakit mo nga ba ako iniligtas?” tanong ko sa kaniya.

Ngumiti siya nang peke at inilapit ang kamay sa ulo ko. Nakaramdam ako ng kuryente noong maramdaman ang kamay niya sa buhok ko.

“Simple lang. May utang na loob ako sa iyo at binayaran ko ‘yon in the same way na ginawa mo sa akin dati,” she whispered while winking seductively. Inalis ko ang kamay niya na nasa buhok ko at binawi niya naman ito nang nakangiti. Hindi uubra sa akin ang charismang tinutukoy ni Kyre.

“Isang linggo bago maalis nang tuluyan ang lason sa katawan mo,” saad niya nang hindi inaalis ang atensyon sa akin. Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. Lason?

Hall Of The Last Chanter • ( Completed ) [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon