Chapter 2.1 :The Escape

3.3K 157 1
                                    


Shayes’ POV

Umupo ako sa madumi at lumang upuan na gawa sa kahoy. May maduming banig at lumang unan din dito pati banyo banyo ngunit bukod do’n  wala nang kahit na anong bagay na na rito.

Inalis ko ang cloak at hinubad ang bota. Sumandal ako sa malamig na semento at nagpakawala ng malalim na buntonghininga.

  “Sana pala hindi na lang ako sumama sa kanila kung alam kong ganito lang din naman ang mangyayari sa akin.”

.........

Ziyu’s POV

Patayo palang ako nang bumukas ang pinto. Agad ko itong nilingon.

Nagulat ako nang makita si Zayra na hanggang tuhod ang suot na puting dress.

“Handa ka na ba?” tanong nito. Tumango lang ako bilang sagot.

“Mauna ka na,” saad ko sa kaniya.

“Aantayin na kita para sabay na tayong pumunta ng Academy.”

Kahit na kailan talaga napakakulit ni Zayra.

“Sige mag-intay ka nalang sa labas ng kwarto,” saad ko. Tinalikuran ko na siya at pumasok sa loob ng banyo.

Pinihit ko ang gripo at isinahod ang kamay rito. Pagkatapos maghilamos ay hinigit ko ang nakasampay na towel at pinunasan ang basang mukha .

Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. Lumalaki na ang eyebags ko dahil sa sunod-sunod na mga misyong binibigay ng academy. Wala na akong maayos na tulog dahil sa mga ‘yon.

“Ziyu, matagal pa ba yan?” dinig kong sigaw ni Zayra sa labas.

I don’t want to be rude with Zayra because we are friends but these past few days palagi na lang siyang nakadikit sa akin.

Sinakbit ko ang bag at nagmadaling lumabas.

Nasa labas naghihintay si Zayra.

Ini-lock ko ang pinto ng kwarto bago tuluyang lumabas ng bahay.

.....

Nakaantabay na ang pulang wagon na maghahatid sa amin sa Meua.

Nandoon na at naghihintay ang iba pa.

“Ba’t ang tagal niyong dalawa. Siguro nag-date pa kayo noh?”

Hindi ko na lang pinansin ang biro ni Hara. Sanay na ako sa mga biro nila sa amin.

“Tara na,” nagmamadaling anyaya ni Seal pagkatapos ay inakbayan ako.

“Ligawan mo na o’. Siya na nga ang lumalapit sayo.” Natawa lang ako sa biro ni Seal. Binatukan ko ang loko-loko at tinugunan lang ako ng tawa.

“Wala akong oras para sa mga bagay na ganyan,” pagtatapos ko sa usapan.

Sumeryoso ang mukha ko nang maalala ko ang sunod na misyon.

Masama ang kutob ko sa lugar na ‘ito. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa ngunit kung ano man ang mangyayari, may mapala man kami o wala, we have to try no matter what.

Wala talaga akong tiwala sa babaeng ‘yon. Unang beses niya palang akong kikilan ng perlas ay alam ko na hindi siya mabuting tao.

......

Apat na oras ang biyahe papuntang Meau. Malayo ang lugar na ‘yon mula sa gitnang bayan.

Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang sinabi ng batang babae.

....

“Kuya sandali!”

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang boses ng batang babae.

Hall Of The Last Chanter • ( Completed ) [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon