Shayes’ POV
Nag-uunahan ang mga tao sa pagpila. Natatakot maubusan ng espasyo sa loob ng gallion. May ilang madadapa na sa pakikipag-unahan at may ibang nakamasid lang mula sa malayo—kagaya ko.
Nagsisiksikan sila sa makipot na pier. Parang mga isdang nagpapabilisang tumalon sa dagat dahil natatakot na mahuli ng lambat.
Luma at maliit ang pier dito sa Seria. The place is dusty and crowded. Ngayon na lamang ulit napuno ng ganito ang pier. Kung hindi pa yata dahil sa imperyalismong nagaganap ay hindi magiging ganito kaabala ang lugar na ‘to.
We use to live in peacefulness. We are not familiar with this chaos. Gusto na naming kumawala sa kaguluhang bumabalot dito sa nayon namin. That is why we are all here, trying to escape our fate by leaving.
Balot kami sa takot at gutom. Matapos salakayin ang Seria, the whole town scream for hunger and help. Ang gallion ng Seria ay may biyaheng tungo sa gitnang bayan— ang Quatria.
That mid-town could help us. I’m not sure if they’ll accept refuges pero isa lang ang sigurado ko, they has the capability to protect Seria against the 21st century pirates.
Ito lamang ang natitirang paraan upang makaalis kami rito. Ito ay ang bumayahe sa gitnang bayan at takasan ang kaguluhan. I have to go to Mid-Quatria.
If I need to beg for their help then I will. If it’s the only way to save Seria then I will not hesitate to do it.
Bumuntonghininga ako habang pinagmamasdan ang masalimuot na sinapit ng mga tao sa lugar na ito. Bakas sa mga mukha nila ang gutom, ang takot, trauma, at pangungulila.
Sampung araw nang hinahalughug ang bayan namin ng mga kawal ng Avonlea. Ang Avonlea ay ang nagsasariling bayan na bahagi ng Ymacria. Sabi nila mayroon daw kaming itinatago. Ipinagpipilitan nilang narito ang hinahanap nila.
I know what they’re referring to. It’s the legendary story of the heiress of the Hallca, but Seria don’t deserve this.
This is too much. Nilason na ang utak nila ng isang alamat.
Binihag nila ang dalawangpung sibilyan kasama ang aking matalik na kaibigan at ang isa pa nitong kapatid.
Naiwan sa akin si Janelle ang bunso sa kanilang magkakapatid. Nagdesisyon akong lumisan upang humingi ng tulong sa Hari ng Quatria.
Wala na akong babalikang tahanan o pamilya, dahil lahat ng ‘yon ay kinuha na nila.
We can’t survive without food and this crisis.
Sinunog ng mga kawal ang mga kubo namin. Wala halos natirang gamit at pagkain. Pinatay nila ang mga pinuno ng bawat tribo kasama na ang nangalaga sa akin, si Master Shahin. Ang templo naming iniingat-ingatan ay giniba nila. Pinaulanan nila ng pana ang mga bahay at dinakip lahat ng makita nilang buhay.
The quiet and peaceful town of Seria become a haunted and a perished town inside Quatria.
“Puno na ang barko magsialis na kayo, “saad ng mamang may maputing buhok. Halos bulong nalang ang naririnig ko mula sa aking kinatatayuan. I can’t see him clearly behind those heads beyond us.
Napahawak si Janelle sa aking kamay. Marahil ay natatakot sa susunod na eksena. Apat na araw na kami ritong nakapila ngunit halos nasa dulo pa rin kami. I can feel the tension ranging again between the guards and the passenger.
I sighed.
Nakita ko ang dahan-dahang pagsara ng entrance ng gallion. Malakas na tumunog ang makina nito, hudyat na paalis na ang barko. Ang mga taong nananatili sa unahang pila ay gumagawa na ng ingay. Maya-maya pa ay nagsitakbuhan na ang mga tao.
BINABASA MO ANG
Hall Of The Last Chanter • ( Completed ) [Under Editing]
FantasyAwaken by a disturbing threat of the prophecy. All the heirs of the dungeon should gather and the chosen should help to protect their world. She's hiding something-- a secret that could surcease their relationship but how come that the one that they...