Prologue
"You have to go!" sigaw ni Yna sa kaniyang tagasilbi na si Clarissa.
Bumabalot sa buong kastilyo ang kadilimin ng nagaganap na digmaan. Tanging ang ilaw lang ng aladdin ang nagbibigay liwanag sa silong ng palasyo.
Nagkatinginan si Yna at si Clarissa. Bakas ang takot at pangamba sa mukha ni Clarissa ngunit hindi niya maaaring suwayin ang nais ng kaniyang Amo.
Kipkip niya sa maduming braso ang sanggol na mahimbing na natutulog sa kaniyang kanlungan.
"Bilisan mo na," pakiusap ni Yna sa tagasilbi.
Napapikit na lamang si Clarissa at sinunod ang inuutos ni Yna. Tinalikuran niya na ito at nagtatakbo palayo, kipkip-kipkip ang batang naging dahilan ng kaguluhang ito.
Ang tanging naging saksi sa pagtakas niya ay ang kadiliman.
Ipinikit ni Yna ang kaniyang mga mata. Mas lalong humahapdi ang sugat niya habang nasa loob siya ng tagong lugar na iyon ng kastilyo.
Naririnig niya ang mga yabag ng paa na nakikisabay sa pintig ng kaniyang pulso.
Ang mga yabag na 'yon ay hindi mapapagkailang galing sa mga kawal.
Pagod na siyang tumakas na para bang isang duwag.
"Dakipin niyo ang babaeng 'yan!" dinig niyang sigaw ng isang kawal. Hindi na niya magawang tumakbo pa. Pagod na ang kaniyang mga paa.
Tuluyan siyang nanghina nang damputin siya ng mga ito.
Inakay siya ng mga kawal hanggang sa makarating sa labas ng palasyo. Ang isip niya'y nakasentro lamang sa kaligtasan ng kaniyang anak. Hindi niya alintana ang maaari pang mangyari sa kaniya.
Huminto sila sa harap ng grupo ng mga kawal. Bumibigat na ang talukap ng kaniyang mata ngunit pinilit niya paring maging alerto sa nangyayari sa kaniyang paligid.
"Pinatay niya ang ina ninyo mahal na Prinsipe."
Nagtama ang mga mata nila ng prinsipe.
Bumalik ang kaniyang lakas nang makita niya ito nang tuluyan. Ang prinsipe na naging dahilan ng paghihirap niya at ng kaniyang pamilya.
Matapang niyang tinitigan si Zavier kahit na iniinda pa rin ang sugat sa braso at tiyan.
"Nasa'n ang anak mo?" Itinutok ng Prinsipe ang talim ng espada sa leeg ng Yna. "At paano mo nasikmurang patayin ang Reyna?" dugtong nito.
Tumahimik ang lahat at gayon din ang apoy na nangangalat sa buong baryo ng Enchantre.
"Isang buhay ang kapalit para sa buhay ng susunod na chanter," madiin nitong sagot. Hinila ng prinsipe ang buhok nito at mas itinutok ang espada sa leeg niya. Galit ang nararamdaman niya dahil sa pagkawala ng Ina at sa pagkabigong patayin ang anak nito.
"May maganda akong balita para sa'yo Yna at siguradong ikagagalak mo itong marinig." Inilapit ni Zavier ang bibig nito sa tainga ng babae. "Patay na ang pinakamamahal mong asawa at wala na ang pinakamamahal mong bayan ng Enchantre."
Tuluyang bumagsak ang luha sa mata ni Yna. Hindi niya ipinakita ang labis na panghihina.
Umiling-iling siya habang pilit na nilalaban ang pagkakahawak ng mga kawal sa kaniyang braso.
" Sinungaling ka! Hindi 'yan totoo!" sigaw niya.
Binasag ng tinig niya ang kaguluhang nagaganap.
"Dalhin na 'yan sa kulungan. Bukas na bukas rin mawawala na ang bakas ng Sentinel sa buong Quatria."
****
Hall of the last chanter
The first revisionBy: Immanuel_Riné
Quatria is the largest landmass in the ninth dimension. It was a carbon copy of Pangaea. Billions of year had passed and the portal between the different dimension disappeared.
Quatria is divided into 4 kingdom.
The first kingdom is in the west.
It was known as the kingdom of undying passion for sorcery—Ymacria.
The dungeon of Lunacro is located in this kingdom. The island of Hymphreas and Macro-linesia is part of the Lunacro clan so they are still considered as an island of Ymacria even they are along Hayena region.
The second kingdom is Hayena.
It is the warfare of logic and modern divinity. It is located in the east where Ambroxia dungeon is located.
It is the cradle of wizard kind.
The third kingdom is in the South.
It was known as the black purified land because of the lying black spell of the Amnezian Oracle, thrusted in the land of Letdana. The Evitrim dungeon is located in Letdana .
The forth kindom is in the North.
It was known as the edge of mystery. Many nymphs and fairies are inhabiting the land of Enchantre. The Hall of Chanter or Hallca is located on the middle of Gascan and Palaet, Enchantre. It was the smallest and most peaceful region of Quatria.
The Quatria Magical Academy and the Royal castle was built in the center part of Quatria. It was expanded and turned into a royal city.
People with money and power gain respect and popularity.
This is the land of luck and logic, quest and labyrinth.
Behind and beyond—power is boundless.
The door is closed.
You must find the key to unlock the hall—
The hall of the last—chanter.
Author's Note:
This story is already completed but still under major editing. I have so much fun writing this story so I hope you will feel the same thing while reading.
This story took four years to finish. Although it's not the perfect fantasy story, I still hope that you all guys will give it a try.
This is not an academy based story, nor a typical romance fantasy. This is not a mainstream story but I put so much effort to finish this.
Happy reading!
(UPDATE) THIS IS POSTED IN GOODNOVEL. YOU CAN READ IT THERE!
BINABASA MO ANG
Hall Of The Last Chanter • ( Completed ) [Under Editing]
FantasíaAwaken by a disturbing threat of the prophecy. All the heirs of the dungeon should gather and the chosen should help to protect their world. She's hiding something-- a secret that could surcease their relationship but how come that the one that they...