Shayes’ POVNagising ako dahil sa mabangong amoy ng nilulutong almusal. Napatitig ako sa orasan na nakasabit sa dingding.
It’s already 7:00 o’clock in the morning.
Bumangon agad ako at naghilamos sa banyo. Kinuha ko ang makapal kong cloak at isinuot ito.
Nasisiguro kong nasa gitna na kami ng karagatan. Mahaba na rin ang naging biyahe namin. Lumalamig na ang ihip ng hangin. Tiningnan ko si Janelle na mahimbing na natutulog.
Inayos ko ang kumot na tumatakip sa maliit niyang katawan bago ko tuluyang lisanin ang kwarto.
Pinagmasdan ko ang tahimik na paligid. Tanging ragasa lang ng alon ang naririnig ko. Mukhang tulog pa silang lahat.
Muli akong pumunta sa pinakanglabas ng cruise. Tahimik ang karagatan at unti-unti nang nawawala ang hamog.
Humawak ako sa railings. Nililipad ng hangin ang mahaba kong buhok. Ang sayang mapag-isa kagabi. Matagal tagal na rin noong huli akong maglayag sa karagatan. I think it was 10 years ago.
I don’t remember so much memories of my childhood but I know this scent. This was a familiar scent of peace that you can only smell in this kind of place. The silence of the sea with the embracing shadows of the sky— together with the beams of light that strike transparently in the mid-ocean. It created a spark of sunlight that complete the paradise.
Malapit na ang Blood eclipse kaya’t hinahanap na nila ang hieress ng ika-apat na dungeon. Madalas mabalita na nasa Seria ang Chantress dahil natagpuan sa abandunadong templo ng Seria ang amulet ni Lady Yna, ang ina ng nawawalang heiress. Ang Avonlea ay isa sa mga rebeldeng grupo na kumakalaban sa sentro. Matatapang sila ngunit mabababang uri ng wizard ang mga kasapi nila kaya’t madali silang nagagapi ng mga Central knights or what they known as the Chosen. At ang mga taong kasama ko ngayon ay kasapi nila.
Marami akong alam tungkol sa sentro sapagkat iyon ay isa sa mga lugar na kinalakihan ko.
“The breakfast is ready.”
Nagulat ako nang may nagsalita sa aking likuran. Napatingin ako kay Mae. She was smiling widely.
“Nakita kita kagabi rito. Mukhang gusto mo ang karagatan,” she said while looking at sea. I just nodded cause she’s right—I love the sight of a see.
“Napaka-peaceful kasing tingnan ng karagatan,” I said and looked at the ocean.
“Thats true,” pagsang-ayon niya. Naglakad siya palayo at sinundan ko lang siya ng tingin.”Wake her up so we can eat together. We are in the dining room.” Muli niya akong nilingon at nginitian.
Pumunta na agad ako sa kwarto. Ayaw ko silang paghintayin nang matagal. Tinapik ko ang pisngi ni Janelle .
“Wake up,” bulong ko sa maliit niyang tainga.
Minulat niya ang kaniyang mga mata at inosenteng tumitig sa akin.
“Umaga na ba ate?” tanong nito.
“Oo. Maghilamos ka na at kakain na tayo,” I said. Tumayo na siya mula sa pagkakahiga sa kama at nagmadali pumunta ng banyo.
Dumating kami sa dining room at napansing kompleto na sila pero hindi pa sila nagsisimulang kumain.
Umupo ako sa bakanteng bangko at tumabi sakin si Janelle.
The food looks delicious. Amoy palang nito ay nakakatakam na. Hindi ako pamilyar sa mga pagkaing nakahain pero nasisiguro kong lahat ng iyon ay pang-mayayaman.
BINABASA MO ANG
Hall Of The Last Chanter • ( Completed ) [Under Editing]
FantasíaAwaken by a disturbing threat of the prophecy. All the heirs of the dungeon should gather and the chosen should help to protect their world. She's hiding something-- a secret that could surcease their relationship but how come that the one that they...