Move # 3 : Dunno ♥

165 11 9
                                    


Authors Note: Simula sa chapter na ito 'Fergie' na ang tawag kay Felicity dahil pinagsama na yung First and second name niya.Para madali. :) atsaka CUSSING MACHINE GUN ALERT..Yun lang, Enjoy reading.

( Zade's POV )

Settings : Hotel Room .

''What the heck is this?! Why did you put your panties here''

I carefully removed a yellow - dotted panty out of my bag at winagayway sa harapan ni Francheska.

Lumapit siya sakin at kinuha yung hawak kong panty and actually, She just laughed at it and throwed it right in front of my face.

Tch. She looks like an idiot. I dont know what kind of force struck me and I actually fell in love with her.

I glared at Francheska pero tawa parin siya ng tawa

''OH. GHAD!! Di ako makapaniwala nagsusuot ka ng tibak!!" Bulalas niya.

"F*CK YOU '' I roared in anger.

Gusto ko na siyang dambahin sa sobrang inis pero bigla niya akong nginitian at tumawa. Nung una hindi ako natuwa pero habang tumatagal at tinititigan ko siya parang mahahawa ako sa ngiti niya.

I dont know what got into me and I embrace her tightly. I felt her soft hands in my chest and the warmth of her body.

Yinakap ko siya ng mabuti at hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sakanya. I wish that this moment would last forever.

Francheska is my everything. She is all that I need. I need her and she needs me.

"OI. Mamaw ko, Hindi ako makahinga" she said and she gently pushed me away.

Tinitigan lang niya ako at pinipi ang dalawa kong pisngi .

There are times that she's acting a little strange and it really annoys me but it doesnt matter right now as long as she is cute .

"I need to tell you something" she uttered

Tumaas ang kaliwa kong kilay and she removed her hands on my cheek . Hinawakan ko siya sa balakang at linagay niya ang kanang kamay niya sa dibdib ko.

I pulled her closer and she was quite surprised.

"I love you,Zade. Promise mo sakin na hindi ka maghahanap ng ibang babae kahit mas sexy at mas maganda pa sakin" she said and she kissed my left cheek.

"Ms. Francheska Capistrano and soon-to-be DelFino. Promise. Hinding-hindi ako maghahanap ng ibang babae sa buhay ko at hindi kita iiwan pati na din yung baby natin" I kissed her forehead at lumuhod para kausapin yung baby namin ni Francheska na nasa tummy niya.

She is 3-weeks preagnant at tatay na ako. Ang bilis ng panahon parang dati mag- bestfriend lang kami sa college tapos ngayon ikakasal na kami.

"Zade. May nakilala akong babae kanina tapos sobrang bait niya tinulungan niya ako kanina na buhatin yung mga gamit ko " she said cheerfully

"Hanapin muna natin yung may-ari ng bag na yan. Bago mo ikwento sakin " sabi ko at tumayo ako. Kinuha ko na yung bag at biglang may nahulog sa na ID picture na nanggaling sa loob.

Agad ko itong kinuha at tinignan.

Name: Felicity Grace De Castro
Age: 19 years-old
Number: 09*********

Akala ko naman kung kaninong bag ito kay Fergie lang pala. I sighed in relief at umupo ako sa dulo ng upuan.

My first love. Ang unang babaeng nakasungkit sa puso ko, We have been best of friends hanggang highschool ng bigla siyang na-aksidente and sad to say she forgot me . Lagi ko siyang nakikita sa mga concert ko at isa siya sa mga kilala kong fan-girls na tinitingala ako. Hindi ko siya pinapansin dahil gusto ko ng mag move-on

Tch. Wag na nating pag-usaan yang issue na iyan. Nangyari na , wag na nating balikan.

"Mamaw may naghahanap sayo" sabi ni Francheska napatayo ako at dumiretso sa pintuan kung nasaan si Francheska.

Pagkatingin ko sa labas halos napatunganga ako.

( Fergie's POV )

"Zade, This is Fergie. Siya yung babaeng sinasabi ko na na tinulungan ako atsaka dala niya yung bag mo" ipinakilala ako ni Francheska kay Zade my love so sweet atlast makikilala na niya ako.

Pinapasok ako ni Francheska sa loob ng room nila at napansin ko na medyo magulo ito at nakita ko na ang black na bag ko sa dulo ng kama nila

Hindi ko maiwasang hindi titigan si Zade
Grabe ang gwapo niya sa personal at sa malapitan. Nakaka-inlab.

I smiled at him pero umiwas lang siya ng tingin at kinuha na yung bag ko

Anong meron? May mali ba sa mukha ko??

Napadami ba ako ng foundation na nailagay o masyado lang siyang nagandahan sakin??

"Fergie, Ito pala yung bag mo. Nagkapalit kayo ni Zade " Inabot ni Zade ang bag ko kay Francheska atsaka binigay sakin

Nginitian ko sila at binigay ko ang bag ni Zade kay Francheska

"Ahm. Eto po yung bag niyo, Thank you p---" Hindi pa ako natatapos magsalita bigla nalang siyang umalis at tinabig ako.

"Zade!" Hinabol siya ni Francheska at ako na ang naiwan.

WOW! Ako na nga yung nag-effort na pumunta dito para ibalik yung bag tapos magiging ganyan lang yung reaksyon niya!

Hello! Muntikan na akong ma-out balance kanina tapos hindi man lang siya nag-sorry! I'm a human to you know I have this so called FEELINGSSSSSS..

Nak ng kalabaw ang dami kong sinabi. Maka-alis na nga lang.

Sinarado ko na yung kwarto ng room nila at lumabas na sa hotel .

Psh.Nakakasira ng mood. Sana nalang pala si Clarence nalang yung inutusan ko.

Kasi naman eh! Kalandian kasi ang pinapa-iral ko eh. -.-

Naglakad na ako and actually nasa kabilang hotel lang si Clarence and I'm sure na tulog na yun. Napag-isipan ko na kumain nalang sa halip na mainis.

Napaisip ako. Baka siguro napagod lang si Zade kaya nagkaganun o kaya busy siya or baka may appointment kaya nagmadali siyang umalis.

Susuportahan ko parin siya kahit ganun ang turing niya sakin kanina.

Papasok na sana ako sa isang cafe ng biglang may nanghila sa kamay ko at agad naman akong pumalag.

Susuntukin ko na sana siya ng masangga niya ito gamit ang braso niya agad naman niyang hinablot ang kamay ko at parang babaliin niya pero bago man niya ito mabali nasipa ko na siya sa tagiliran at nabitawan na niya ang kamay ko.

Linayuan ko siya at tinitigan siya ng masama.

"You never fail to impress me, Felicity Grace De Castro" Napatingin ako sa gilid ko at andun si papa na nakatayo habang pumapalakpak.

"Well, You never fail to surprise me, Dad" I chuckled at yinakap ko si papa ng mahigpit.

Na-miss ko si Dadi. Siya nalang ang natitira kong magulang dahil namatay na si Mommy dahil sa sakit na cancer.

" Oh. Saan na yung PA mo?" He asked me.

"Naiwan po sa hotel pinapahinga ko po muna" I answered.

Anyway, Kung kasama ko siguro si Clarence napatay na niya yung lalakeng naka-away ko kanina.

Kasi naman si Clarence, Isa siyang black belter sa Aikido and it means kaya niyang pumatay ng tao lalo na kung mahina yung kalaban niya.

"Are you ready?" Dadi told me at inayos niya ang damit niya sabay harap sa pintuan ng cafe na dapat kong pasukan kanina

"Ready for what?" I asked him .

Ano bang meron? My eyebrows met in curiousity. Ang dami ng mga tanong na lumalabas sa isip ko.

Naglakad si Daddy at akmang papasok na sa loob kaya sinundan ko siya

"A Dinner Date with your future husband"

...... HUH??...

-----------

All rights reserve 2015

 Mahal Kita, Manhid Ka LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon