Chapter 1: The Love Guru

42 3 2
                                    

“Hey, Ms. Mattlene Dracy Orteo… what’s bothering you? Your ex-boyfriend?” pang-aasar ni Zan habang nasa loob kami ng jeepney.

I laughed. “As if naman iisipin ko ang lalaking pinagpalit ako sa L.O.L.”

“League of Legends…? Really? Ayun yung reason kung bakit ka nakipagbreak? Sachi, we should hear this.”

“Grabe, dati DOTA, ngayon naman… LOL na. Iba na talaga ang mga lalaki ngayon.” Sabi ni Sachi.

“Well, if hindi sya handang mag-allot ng time para sakin. E bakit nya pako niligawan? Ano to, lokohan? I might be below average but I WAS his GIRL and I should deserve more than that.” Sagot ko sabay kindat.

“And that’s the Love Guru for you…” sagot ni Zan with matching pagpalakpak pa ng mga kamay.

Hindi nagtagal at nakarating na kami sa Alabang. Konting lakad, at presto! Nasa Festival mall na kami. Agad na hinila ni Zan at Sachi ang aking mga kamay papunta sa escalator.

Sya nga pala… bago ko ipagpatuloy ang kwento ko, ipapakilala ko muna yung mga kasama ko. Para naman akong shunga dito na sabi ng sabi ng “Zan” at “Sachi” tapos hindi nyo naman sila kilala. Anyways… Si Zan ay classmate ko simula elementary. She’s a really cute girl with a small but sexy built. She has long and curly hair and she loves to wear trendy clothes.

On the other hand, si Sachi ay naging classmate ko nung highschool, nagtransfer kase sya from Japan and she’s a modest type of person. Simple, pashy-type pero kalog naman, she’s quite taller than Zan but she has a very mature figure and curves.

 So much for them. Anyways. Hinila ako ng dalawang bruha and before I even realize it, nasa bilihan na kami ng token dito sa tapat ng Dom’s World.

“Hay, bakit dito na naman tayo sa Dom’s world. Nakakasawa naman.” Reklamo ko sabay kuha ng wallet.

“Naiinis pero kumukuha ng wallet. Ang taas talaga ng pride pag love expert ka.” Pang-aasar na naman ni Zan.

I sighed. Baka naman pwede nilang tigilan muna ang pagtawag sakin ng ganun. Nakakarindi kase eh.

Tumawa lang si Sachi pero maya-maya… hinihila na nya ung damit ko.

“Bakit Sachi? ‘Nung meron?”

“Si Rap yun diba? *turo sa malayo* Si Rap Lorenzo nga! Yung ex mo!”

Rap…? Ah oo! Sya nga yung ex ko. Teka…

Paglingon ko doon sa taong tinuturo ni Sachi… I felt something different.

All of a sudden, nakita ko si Rap na naglalakad papunta samin.

“Wag kanang lumapit… please…” bulong ko habang nakatungo at pilit na itinatago ang mukha ko sa likod ng mahaba at wavy kong buhok.

“Matt…” sabi nya.

I heard his voice… at bigla na lang kumirot yung dibdib ko. This is not the right time para umiyak ako, pero bakit parang hindi ko mapigilan?

“Rap… you can go. We’re here to have fun.” Sabat naman ni Zan.

Nakita ko na hinila ni Sachi si Zan at tinakpan ang bibig.

Tama. I have to end this for once and for all… nakakapagod na rin kaseng maglagay ng sama ng loob sa dibdib. Nakakasawa.

I walked away. There was nothing left for me to do… I think? Ayaw kong gumawa ng eskandalo sa mataong lugar nato.

“Matty! Hey! Please wait for me! Look, I’m sorry!” Sigaw ni Rap habang hinahabol ako.

The Perks & Costs of Being a Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon