Chapter 6: The Start of Something New...?

13 2 0
                                    

“No matter how far you are from each other, if you are both tied with a red string of fate, then you will be forever connected to each other.”

I met him around 6 months ago… Aba, matagal-tagal na din pala. Nagsimula lang kami sa pasimple-simpleng chat sa internet hanggang sa nagkahingian ng number hanggang sa naging phonepals. At sa hindi inaasahang pangyayari, nalaman ko na parang pinaglalaruan kami ng tadhana pero para saan? Bakit?

“Matty! May asukal ka?” sigaw ni Zan habang winawasak yung pintuan ko sa katok.

“Ang aga-aga pa.” sagot ko pabalik nang saglit makasilip sa wall clock ko. 5:45 AM palang magkakape na ‘to. “Pumasok ka na, ikaw na maghanap.” Sabi ko matapos antok na binuksan ang pintuan.

Walang anu-ano ay pumasok naman sya kaso ay dumeretso sa kama.

“Ang ingay nyo kagabi ah. Tamo ‘yang eyebags mo, hanggang pisngi na. Ayan ka na naman Matty. Hindi ka parin ba natututo? You barely know him. Yun ngang kakilala mo na iniwan ka, eh pano pa yang sa internet at phone mo lang nakakausap?” pangaral niya sa akin.

Dahan-dahan naman akong tumango, “I know…” bulong ko.

“I know? Puro ka naman ‘I know’ eh! Matty, ilang beses na kitang pinagsabihan. Kapag ikaw iniwan ng lalaking ayan, ewan ko lang sayo.”

Hindi nako sumagot at kinuha ko nalang ang lalagyan ng asukal at iniabot sa kanya.

“Wag na pala. Bibili nalang ako.” Sagot niya at lumabas na ng kwarto.

Hayyyy… ano ba ‘tong nangyayari?

Napahiga ako sa kama habang unti-unting nagfaflashback sa akin ang mga nangyari dati.

“Ay! Sorry. Hindi ko sinasadya.” Sagot ko habang pinupulot ang mga gamit ko na nahulog nang makabungguan ko ang isa sa mga varsity ng high school namin, si Pete Corvaine.

“Wala ‘yun.” Sagot niya sabay ngiti habang tinulungan naman ako.

At doon ay nagsimula ang aming… ewan. Tuwing magkakasalubong kami ay lagi niya akong binabati with matching kaway pa. Nakakahiya nga ‘yung mokong e.

“Teka! Si Pete Corvaine yun diba? Diba? Diba? Asus. Ayan na! Nagbu-bloom na ang iyong love story Matty!” pangungulit ni Zan nang makita nyang kinawayan ako ni Pete.

Ngumiti lang ako ng kimi. Kunwari pashy-type sabay bulong, “Oo nga e! Kaso hanggang kaway kaway lang. Anong bloom kaya ang meron dun?”

“Sus. Assuming naman ‘to. Balita ko may girlfriend daw yan e. Yung Miss Soleil ng school natin, si… basta! Magdadag-dag na naman ako ng character dito e wala namang kwenta yun.”

May girlfriend na pala e… “Okay lang yun. Friends lang naman kami. Yung hanggang kaway at bati-bati lang. Yun lang. I’m just having fun.”

“Matt. Matt. Wake up.”

May naririnig akong boses habang nararamdaman ko na may yumuyugyog sa akin. Napamulat ako, pagtingin ko, si Sachi pala nasa tabi ng kama ko, may dalang pagkain.

“Matt. 2PM na. Tinatawag ka namin ni Zan para mag-lunch kaso hindi mo kami sinasagot. Ampula ng mata mo ah. Umiyak kaba?”

“Ha? Hindi, nakatulog lang ako.”  Sagot ko pero ang totoo ay naramdaman ko na naman ang sakit sa dibdib ko na naramdaman ko for 2 long years bago ako maka-move on at naging love guru.

Ayokong may masaktan dahil sa maling pagdedesisyon sa pag-ibig.

“Hindi lang kami yung tumatawag sayo.” Ngiti ni Sachi habang iniaabot sa akin ang nag-va-vibrate kong phone.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Perks & Costs of Being a Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon