Chapter 4: Fate's Puzzle Pranks

21 3 2
                                    

“Fate has been written ever since the beginning. You have the will to choose and make your decisions but once fate has started to work on its own way, you’ll realize that you’re already taking the path that destiny has made for you.”

“Matty! Matty! HOY!” sigaw ni Zan habang patakbo siyang lumapit sa akin. Andito nga pala kami sa kahabaan ng kalsada pero ngawa nang ngawa tong babaeng ‘to. Hindi na nahiya.

“Bakit ba?” tanong ko.

“Wala naman. Grabe. Wala pa rin si Sachi. Hindi na tayo masyadong nakakapag-bonding.”

“Sus. Bonding na naman. Magkakasama na nga tayo sa dorm e. Ano pang gusto mo?”

“Wala. Bakit ba ang sungit mo ngayon?!”

“Hindi ako nagsusungit. Ang ingay mo lang kase. Naiirita ako.”

“Red tide ba?”

“Shut up, Zan. Tapos na yun. Last week pa.”

“Kelangang i-announce? O, e ano nga?”

“Tsk. Wala nga!”

Naiirita ba ako? Well, yeah. Bakit nga ba? Hindi ko rin alam.

“Peram naman ng phone mo. Patext.”

Dinukot ko ang phone ko mula sa bag at ibinigay sa kanya. Maya-maya pa ay…

“Hala. Hindi ka pala nirereplayan ng Kuya-kuyahan mo.”

Hala! Nangalkal ang bruha!

Agad kong inagaw ang phone ko.

“Akin na yan Zan! Napaka-pakeelamera mo! Give me my phone!”

“Wait lang. Oops. 2 days ka na nyang hindi tinetext? Kaya pala. Wala na ang ‘toy’ mo.” Sabi niya na medyo nang-aasar.

Inirapan ko sya.

E ano naman kasi?! Tsaka twice ko lang naman siyang tinext ng “Hi!” ah?!

Naiinis lang ako kase ambilis niyang mang-iwan.

“Naiinis nako Zan.” Sabi ko sabay hablot ng phone.

“Sus. Wag mo sabihing nagkakagusto kana jan sa Kuya mong yan?”

Gusto…? Seryoso ba sya…?

“Pft. Hahaha! Seryoso kaba? Ako? Magkakagusto jan? NE-VERRR. I told you already, he was just my entertainer. Naiinis lang ako kase bigla siyang umalis e hindi pako masyadong nag-eenjoy sa kanya.”

I replied.

Tama naman diba? Kaya ako naiinis kase…

“Siguraduhin mo lang. I expect so much from a love expert like you.” Sagot niya habang nakangiti at nakatingin sa malayo.

“Sa tingin mo? Paano ka kaya maiinlove no?” bigla niyang pagtatanong.

“Hindi ko alam? Baka may mababangga akong lalaki tapos siya pala yung destin—“

Tamang-tama na nung sinasabi ko yun ay may nakabangga nga akong isang lalaki.

I think I know that smell…

Agad akong lumingon kaso madaming tao, hindi ko na siya naabutan pa kahit ng aking tingin. I wonder who was that…

“Wooow, destiny. Ambilis sinagot ah.” Biglang sabi ni Zan with that amused voice.

“Hindi. Accident does really happen.” Sagot ko.

Accident does really happen… for a reason.

The Perks & Costs of Being a Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon