Chapter 2: The New Acquiantance

32 4 0
                                    

“Love is a very dangerous game and is also an unfair one. It seems like everyone good is paired with the bad persons who end up doing something wrong along the way. It’s a gamble where you have to give everything not knowing if you will get something… or nothing.”

“Hoy. Ano yan?” Tanong ni Zan habang sumisilip sa phone ko.

“Huh? Hindi pa rin ako tinatantanan nung Rap na yun. Ang kulit. Samahan moko mamaya bumili ng sim card.” Sagot ko habang tinatago ang phone ko sa bulsa.

Pumasok na ang prof namin at ang mga classmates ko ay isa-isang nagsibalik sa upuan. Si Zan din ay umupo na sa bandang harapan at dahil medyo matangkad ako para sa isang babae… lagi nalang ako yung nasa likod.

Maya-maya… nagring yung phone ko.

“Oops. Sorry.” Bulong ko at dali-daling lumabas ng kwarto at tiningnan ko ang phone ko.

Rap the Idiot is calling…

Tss. Akala ko prince charming ko na. Ni-reject ko ang tawag at pabalik na sana ng classroom nang makita ko na parang wala na naman kaming gagawin. Mas tamad pa kase sakin yung prof ko e.

Lumabas ako ng building namin at pumunta sa may malapit na pwedeng upuan. Nakakatamad kase sa room. Ng bigla na lamang…

“Uy, si Miss Orteo.”

“Sya yung Love Guru diba?”

“Ang ganda nya pala kaya expert sa love.”

“Siguro madami na syang experience.”

“Ewan ko.”

Sari-saring bulungan na naman ang naririnig ko. Ayaw ko kase sa lahat ng ganun, either maayos ba or masama yung sinasabi nila… ang pangit sa feeling e.

At madaling natapos ang araw na iyon at nagpapasalamat talaga ako na nakabili na ako ng panibagong sim card.

Maraming araw na ang lumipas at syempre, hindi pa rin nauubusan ng customer ang inyong lingkod. Pasalamat nalang din at mga taga-school ko lang ang nakakaalam ng true identity ko.

Isang gabi… habang masaya akong nagchecheck ng videos sa Duotube ay may nakita akong video about sa mga parasites. Napaka-reliable nung video… disgusting nga lang sya. And then, pagcheck ko sa mga comments, may nakita akong comment:

What the f*** is wrong with you people?! Kung ayaw niyo sa video nato edi wag nyong panuodin. Halata naman sa title na about ito sa parasites yet you post comments na nandidiri kayo? Get a life!

Natawa ako ng sobra. Tama naman kase. Kaya hindi ako nag-hesitate na i-vote yung comment.

Maya-maya pa… may nag-add sa akin sa Hacebook pero wala kaming kahit isa na mutual friend.

Medyo na-bother ako thinking kung sino siya at pano nya ako nahanap kaya bumalik ako sa tab ng Duotube at napansin ko ang username ng nagpost ng sensible na comment na yun ay kaparehas ng username ng nag-add sa akin sa Hacebook.

Ren Khiamco

I hesitated kung pipindutin ko ba ang accept button, malay mo… weirdo pala. Maya-maya ay iniwan ko lang ang request nya at patuloy na nagpopost ng mga selfie namin nila Zan at Sachi.

Tapos bigla akong may natanggap na message.

Ren: Hey, bawal makipag-kaibigan kahit sa Facebook lang? :D

Me: Pilitin moko J

Ren: What? Hahaha. Oh please… ;)

Hindi ko alam kung anong meron at bigla ko nalang nakita ang sarili ko na parang shungang ngingiti-ngiti.

The Perks & Costs of Being a Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon