Chapter 3: The Mere Entertainer

26 4 0
                                    

“Love is life’s unexpected guest. It’ll come without your knowledge and might always start with a “Hi.” but when parting time comes, it may or may not bid its goodbye.”

“Sachi! Tutal pinag-handa ka naming nung birthday mo… magpa-Big 30 ka naman oh!” pang-aasar ko kay Sachi habang naglalakad kami pauwi ng dorm. Walking distance lang kase ito sa amin. Si Zan ay dumaan sa mall kaya nauna na kaming umuwi.

“Hala.” Sabi niya, “Kaya kinabahan ako bigla nung naghanda kayo. Sabi na nga ba at may kapalit. Tapos… mas mahal pa.” sagot niya habang medyo naka-pout yung lips.

“Sus, minsan lang naman.” Sabi ko na medyo tatawa-tawa pa.

“Teka, bakit hawak mo yung phone mo?” tanong ni Sachi at tinuro ang phone ko na nasa kamay ko at nakabalot ng panyo.

“H-ha? Bakit? Anong mali sa paghawak ng phone?”

“Dati kasi lagi mong iniiwan yung phone mo sa dorm. Ngayon… teka? May hinihintay kabang text? Or call?” tanong niya na medyo may pagka-excited yung tono.

Hala, ganun pala ka-unusual. Tiningnan ko ang phone ko…

Bakit nga ba?

Last night:

Kizuna Astin: Hey, pwedeng makuha yung number mo? Baka kasi bigla kong maisipan na manghingi ng love advice… miss Love Guru J

Me: Ha? Oh sure. 0916-XXX-XXXX.

Kizuna Astin: Okay. Thank you. I might text you tomorrow.

Wala namang masama kung hinihintay ko yung text niya diba? Baka sakali kasing may itatanong siya…

Bigla akong napailing.

Ano ba ‘tong iniisip ko? It’s been almost a week kasi simula nung humina ang business ko kaya eto… nababaliw na ata ako.

“Okay ka lang?” Tanong ni Sachi.

“Yup.” Sagot ko sabay tango at lihim na sumusulyap-sulyap sa screen ng phone ko.

Nakarating na kami sa dorm. Wala pa rin siyang text.

Hay…

Iniwan ko ang phone ko at napag-desisyunan na maligo muna at tsaka magbukas ng computer.

Nang matapos ako maligo ay nakalimutan ko na ang phone ko at agad kong chineck ang website ko.

Matumal talaga ang business ko. Bakit kaya?

Habang nagba-browse ako… may nakita akong isang tanong na posted two days ago.

Hindi ko ata to napansin before.

“Good day Love Guru! Can I ask something? I have someone that I like right now kaso he likes someone already. I know that I should just give up the fight. I think I am starting to accept my fate pero bakit nasasaktan parin ako pag nakikita ko yung girl at tsaka siya na magkasama? What should I do to completely forget about him? I really want to move on but I don’t know how.”

Napahinga ako ng malalim. Mukhang seryoso ‘tong problem ng anynomous follower ko.

Nabasa ko pa sa baba na kung maari daw ay sa e-mail niya nalang ako makipag-usap if I want to ask for further details.

I went to Toogle Mail at itinype ang e-mail niya. At doon, sinimulan ko ring itype ang aking sagot sa tanong niya.

To: AnonymousGirl123@tmail.com

Subject: Love Guru’s Answer

Message:

Hello anonymous girl! First of all, thank you at sa akin ka nagtanong. I hope I can help you.

The Perks & Costs of Being a Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon