Chapter 5: And then, She was Confused

43 3 1
                                    

“Being together with someone special is one of the moments worth remembering as time flies by.  Treasure every second, make every little thing matter, and sketch every image in your mind because you will never know when will be the end of these cherished moments.”

“Hello?” sagot ko sa isang tawag na natanggap ko, umagang-umaga.

“Hello. Kamusta kana? Anong nangyari sayo?” tanong sa akin ng nasa kabilang linya.

Ha? Sino ‘to? Bakit pamilyar yung boses?

Tiningnan ko ang wall clock ko. 6AM palang. Kaya pala bangag pako. Si Kuya, ang aga, tumatawag na.

“Ha? Bakit anong nangyare?” tanong ko naman.

“Eh kase naman, ang sabi mo sakin kahapon, tatawag ka. Naghintay pa naman ako hanggang 12 AM tapos wala ka pala.” Reklamo ng nasa kabilang linya.

“Huh?” yun lamang ang tanging nasagot habang inaabsorb pa ng utak ko yung sinasabi nya.

“Umm, sorry ha? Mamaya nalang tayo mag-usap. May gagawin pa pala ako. Sorry. I’ll call you later.”

Sinabi ko nga pala yun sa kanya kahapon. Hindi ko naman inakalang hinintay niya talaga niya ako.

Napangiti lang ako. Ngayon palang ako naka-encounter ng ganitong ka-gullible na tao.

“Sorry naman.” I answered casually. “Bawi nalang ako.” Pahabol ko pa.

“Sige. Ay oo nga pala, may gagawin ako ngayong hapon. Bye.” Sabi niya bago binaba ang linya.

Toot. Toot. Toot.

Natawa na lamang ako. At kailangan niya pa talagang magpaalam sakin kung may gagawin siya?

As if I care naman. Dahil masyado akong maaga nagising ay pumikit na lamang ako upang makatulog uli.

Kaso biglang…

“MATTY! LABAS JAN!” sigaw ni Zan.

Napabalikwas ako sa higaan ng marinig ko ang nakakarinding tili ni Zan. Wala na akong ibang magawa kundi ang pagbuksan siya.

“Oh? Bakit? Good morning—“

“Anong good morning?! Anjan si Wry, yung solid na manliligaw ni Sachi! Lika!” sagot ni Zan.

“Bakit? Ano bang meron? Sino?” tanong ko habang kinukusot-kusot ang aking mata.

“Anong sino?! Ewan ko. Manliligaw nga ni Sachi! Si Wry!” sagot ni Zan.

Nanlaki ang mga mata nang maalala ko kung sino ang tinutukoy niya, “Huh, saan?!” tanong ko.

“Sa baba nga! Andun sa lobby! Bilisan mo!” Sagot ni Zan at dali-daling hinaklit yung kamay ko.

“Teka! Hindi pako nagtu-toothbrush!” reklamo ko.

“Shunga. Hindi naman aamuyin ni Wry yung hininga mo e.” sabi niya at para kaming mga stalker na sisilip-silip mula sa hagdan habang tinitingnan si Sachi at Wry na nag-uusap sa baba.

“Babastedin na daw ni Sachi yan. For a whole year nanligaw ang Campus Hearthrob sa kaibigan natin for nothing. Sayang no?” bulong ni Zan habang nakasilip kami.

Masyado kasing mabait si Sachi… ayaw niya sa lahat ang nakakasakit kaya napaasa niya nang napaasa yung lalaki. Kawawa naman… pero at least, natupad niya ang rule number 3 ko. Medyo late nga lang.

Rule#3: Never give false hope to anyone; tell them the truth, even if it hurts.

Dalawa ang klase ng tao sa mundo, isang taong umaasa… at taong nagpapaasa. Oo, masarap magpaasa… but then, you are just digging your own grave. Dadating ang panahon na sa sobrang kasinungalingan mo, hindi kana makakaalis pa sa kasalanan mo. You have to cover one lie with another lie, right? Kaya habang maaga pa ay sabihin mo na yung totoo, dahil pag pinatagal mo… ikaw na rin ang masasakal at maagrabyado because the more you lie, the harder it will be for you to see the difference between wrong and right.

The Perks & Costs of Being a Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon