Chieni's Pov
"Aminin mo nga sakin, mahal mo na siya no?" tanong ko kay Bhes.
"Ha? Ako? Mahal? Si Zyren?"
"Oo, oo, at oo."
"Haha! Ang galing mo! Hindi ko pa nga sinasabi, alam mo na agad! Haha! Pero teka, ano na nga pala ang mga kaganapan sa buhay niyo ni Kevin?"
"Ayun kinausap ko siya at tulad ng sinabi mo sakin, pinakinggan ko lahat ng sinabi niya."
"Eh ano bang mga sinabi niya sayo?"
Ganito kasi yung nangyari…
~Flashback~
Kinausap ko siya sa rooftop nitong school.
Chieni: Oh sige, pagbibigyan na kita. Sabihin mo ngayon sakin lahat ng pwede mong sabihin para maipaliwanag yung nakita ko nung isang araw.
Kevin: Buti naman at pinayagan mo na akong mag-explain sayo, Munch.
Chieni: Wag mo muna akong tawaging “Munch”, hangga’t hindi pa tayo nagkakabati.
Kevin: Okay, sige. Pinuntahan ako ng Ex ko, si Lara kasi gusto niya daw makipagbalikan sa akin.
__________________
BINABASA MO ANG
"Forcedly" Married
JugendliteraturPaano kung pinagkasundo ka ng parents mo sa apo ng may ari ng mamahaling school na pinapasukan mo before ka pa maipanganak at ngayon, ikakasal ka na? Anong gagawin mo? Mapipilit mo bang hindi ka nila maipakasal sa lalaking hindi mo naman kilala pero...